Habang abala ako sa pag aayos ng mga gamit ko ay sunod sunod ang notif sa phone ko, pag tingin ko ay mgachats sa gc na nandito na sila.
Napahinto ako sa pag-aayos at tumayo na. s**t, eto na. The cavalry is coming.
Sinilip ko si Keiran na busy sa laptop sa may mini-office corner. Naka-button down shirt siya, nakabukas ang unang dalawang butones, mukhang seryoso sa pagta-type pero halata kong aware siya sa bawat galaw ko.
“Don’t stare too long, Bela. You might fall,” sabi niya nang hindi man lang tumitingin.
Napairap ako. “Please. The only thing I’ll fall for is to your bed, kuya!” pang aasar ko.
Nakita ko kung paano siya natigil sa pag-ta-type at napatingin sakin, halata yung gulat at inis.
Kinuha ko ang sling bag ko at lumabas. Pagdating ko sa lobby, agad kong narinig ‘ang boses ni Stacy, malakas, masigla, yung tipong di na need i check pa kung sino ba yung gumagawa ng ingay.
“Belaaaat! Oh my god, ang ganda dito!” halos sigaw niya habang yakap ako ng mahigpit.
Kasunod niya si Drake, bitbit ang ilang bag, habang nakakapit sa braso niya si Cheska at si Kevin naman ay may hawak na speaker.
“Buti sabay kayo ni Keiran nagpunta rito? akala ko samin ka sasabay napag uusapan na pa naman ng lahat.” ani Stacy.
Napasinghap ako. “Ha?! Anong pinag-uusapan niyo?”
Ngumisi si Kevin. “Na sabay sabay nalang, tapos biglang nagchat si Keiran na sabay na raw kayo.” saad nito at may kung ano pa sa mga tingin niya.
“O baka naman lagyan nyo ng malisya!” irap ko. “Bakit meron ba?” ani Drake tapos si Cheska naman ay tinapik si Drake sa braso, kaya nagtawanan naman kami.
“Hey, guys,” boses ni Keiran mula sa likuran ko, napatingin ako sakaniya na naglalakad palapit samin habang hinuhubad ang shades niya..
“Wow, CEO vibes!” Ani Cheska
“Ang hot ni KKK ah” ani naman Stacy kaya sinamaan ko ito ng tingin.
“So si Keiran talaga sinasabiha mo about sa Kàntót Kalimot King?” ani Cheska. “Huy hindi! i mean oo! KKK, pero hindi na ‘yon ang meaning, as if naman na nagkantútan na kami niyang si Keiran para magsabi ako ng ganon!” palusot ni Stacy
Napatikhim naman si Drake habang nakatingin saming dalawa ni Keiran, i know na may alam siya about us, pero hindi sa part na may nangyari samin ni Keiran nung birthday ni Cheska. Napalunok nalang ako ng paulit ulit at napatingin ako kay Keiran na kalmado lang. “Good to see you all. I trust Bela’s been behaving?” napataas ang kilay kong napatingin sakaniya dahil sa sinabi niya.
What?!
“Just kidding! so ano? magtititigan nalang tayo dito?” ani Keiran.
Agad namang nag avail ng room ang lahat, si Drake at Cheska magkasam, si Stacy mag isa lang at gusto pa magkasama kami, habang si Kevin nama namimilit na gusto raw niya kasama si Keiran dahil for sure raw na malaki ang kinuha nitong kuwarto, pero napilitan rin si Kevin na kumuha ng sarili niyang kuwarto, para incase raw na may makilala siyang chix. After kasi ng party sa bahay nila Cheska no’n nagsumbong ata si Keiran about sa ginawa ni Patricia, kaya ayun, naghiwalay yung dalawa.
---
Nasa beach area na kami, naglalatag ng towel at mga pagkain.
Habang abala si Drake at Kevin sa pag-set up ng mini grill, kami ni Cheska at Stacy ay nagkwe-kwentuhan.
“Girl, aminin mo na, nagkaayos na kayo ni Keiran no?!,” sabi ni Stacy habang nilalagyan ng sunscreen si Cheska.
I sighed. “ Huy! anong kami! walang gano’n!” tangginko. “Wait… Bakit parag wala akong alam sa usapan nyo?” sabat ni Cheska. “Wag mo nalang pansinin yang si Stacy, alam mo naman yan!” saad ko pa at pinag mulagatan ng mata si Stacy na ikinahagalpak niya.
“Tignan mo nga ‘yung mata mo habang sinasabi ‘yan,” saad naman ni Cheska. “Kung pwede lang magpa-face reading ‘yung denial mo, ipapa face reading talaga kita” saad pa nito.
“Girl, stop,” tawa ko, pero may halong kaba. Kasi totoo, ‘yung mga sinasabi nila, hindi ko na sigurado kung alin ang gusto kong pabulaanan.
“There's nothing between me and Keiran okay?! nakakainis kaya sya!” saad ko pa.
Lumingon ako kung san ko huling nakita si Keiran nakatayo sa may dalampasigan, kausap si Kevin habang hawak ‘yung phone niya, siguro tungkol sa event na gaganapin.
Pero kahit nakatalikod siya, parang alam niyang nakatingin ako. Kasi bigla siyang lumingon. Diretso. Sa akin.
Napatulala ako ng magtama ang mata namin, like, paano ako iiwas? ayokong makipag eye to eye sakaniya, nakakainis siya na nakakaano…
Nakaano Bela? hays!
“Belaaa, tara, tumulong ka dito!” tawag ni Drake.
Lumapit ako, pero hindi ko inaasahang mapapadikit ako kay Keiran habang inaabot ‘yung tray.
Mainit ‘yung hangin, pero mas mainit yata ang balat niya.
“Careful,” saad niya, halos pabulong lang.
“Can you stop breathing so close?” bulong ko rin, sabay irap.
“You’re shaking.” He smirked.
“Huh? Hindi ah!”
Natigil naman ang namumuong asaran naming dalawa ni Keiran nang biglang mag-splash ng tubig si Cheska at Stacy, sabay sigaw.
“Beach time!!!”
Lahat kami napatakbo, si Kevin agad na naabutan si Cheska at Stacy na agad niyag sinabuyan ng tubig, habang si Drake naman nung malapit na kay Cheska ay binuhat ito.
At kami ni Keiran? wala extra lang kami rito. Charot!
“KEIRAN!” gulat n sigaw ko, ng bigla niya akong basain. Ngumisi lang siya, sabay takbo palayo.
I ran after him, sa sobrang inis ko pati tsinelas ko naibato ko na sakaniya. Pero bago ko pa mamalayan, pareho na kaming basa, tumatawa, nagtatakbuhan sa buhangin.
---
Nang bumalik ang lahat sa may cottage, halos hingal pa ako.
Si Cheska, nakangisi. “Bela… girl, hindi mo na kailangang sabihin. We all saw it na” biglang sabi nito kaya napakunot ako ng noo.
“What?” tanong ko, nagkukunwaring clueless.
“Yung chemistry,” sabay sabi ni Stacy. “Like, literal na kuryente, Beelat!” saad pa nito at hinampas ako sa braso.
Sakit ah?!
“You okay, Bela?” tanong ni Keiran, at hinawakan ako sa braso habang nakapadong sakaniyaag tuwalya niya.
Napatingin naman ako sa dalawa na ngayon ay may pang aasar na sa mga tingin nila.
“Ayos lang ako!” sagot ko, lahat sila nagulat kasi bigla nga naman akong sumigaw.
“I see..” tipid niyang sagot at muli nanamang nagpunas sa buhok niya at naglakad papunta sa pwesto ni Kevin.
“Ayiee! concern ang boyfie!” pang aasar ni Stacy. “Sayo pa talaga nang galing yang salita na yan ah! knowing na alam kong mas inis ka ja kay Keiran.” irap ko.
“Hindi na ngayon Beelat, kinikilig na ako sainyo e! myghad!” tili pa nito.
“Kaya nga, what if kayo nalang? bagay naman kayo ah!” saad naman ni Cheska.
“Magtigil nga kayo!” irap ko sakanila at uminom ng tubig na nasa tumbler ko.
Kung alam nyo lang jusko! kung alam nyo lang!