Chapter 11

909 Words
“Okay guys, last bottle na ‘to ha!” sigaw ni Cheska habang itinaas ang alak, halatang lasing na pero cute pa rin. “Promise?” tanong ni Stacy, sabay kindat. “Promise na ‘yan, baka bukas magising tayo sa ibang planeta,” tawa ni Kevin. Lahat kami nasa paligid ng bonfire, may marshmallows, chips, gitara, at sand na malamig na sa paanan. Tahimik ‘ang dagat, pero ‘yung tawa ng barkada namin halos umabot sa kabilang dulo ng resort. Ako? Half tipsy. Alam kong hindi pa ako lasing, pero pakiramdam ko ang init init. “Bela, ikaw naman!” sigaw ni Cheska. Napatingin ako sa bote na nasa gitna namin na ngayon ay sakin nakatutok. Di ko na rin matandaan paano kami nag umpisa maglaro ng spin the bottle. “Truth or dare?” nakangising tanong ni Cheska “Truth,” sagot ko agad. “Ang boring mo!” reklamo ni Stacy. “Mag dare ka!” utos pa nito. Umiling ako. “Ayoko! Alam kong madumi ‘yang isip mo!” sagot ko nama sakaniya. “Fine,” sabay ngisi ni Stacy. “Truth then. Hmm…” Lumingon siya kay Keiran na tahimik lang, nakaupo sa kabilang side ng apoy, may hawak na baso ng alak, nakatingin lang sa dagat. “Do you like someone right now?” tanong ni Stacy. Biglang natahimik lahat. Napatingin ako sa apoy, tapos sa alak sa kamay ko. “Wala.” sagot ko. “Liar,” sabay sabi ni Kevin. “Bela, kahit sa pitch ng boses mo halata ‘yung kasinungalingan.” dagdag pa ni Cheska. Pilit lang akong ngumiti habang sila naman ay nagtawanan. “Ano nga! sagot na! truth or dare nga tapos di magsasabi ng totoo” reklamo pa ni Stacy. Napatingin ako sakanilang lahat na nakatingin rin sakin, naghihintay sa sagot ko. Habang si Keiran naman ay sa dagat parin ang tingin, kaya yumuko nalang ako at huminga ng malalim. Magsasalita na sana ako ng bigla namang tumikhim si Keiran. “Tama na nga ‘yan,” sabat ni Keiran, mababa ang tono ng boses. “Stop putting her on the spot.” dagdag pa niga. Sabay-sabay silang tumingin kay Keiran. “Oooh, defensive much?” singit ni Cheska, halatang natatawa. “Bro, relax,” sabat pa ni Drake, “it’s just a game.” dagdag pa nito. Pero hindi na nagsalita pa si Keiran. Umupo lang siya pabalik, pero ramdam ko ‘yung titig niya, mabigat, steady, at parang may gustong sabihin na ayaw niyang ipaalam sa harap ng iba. --- Makalipas ang ilang oras, nagsimula nang isa-isang matulog sina Cheska at Drake sa may cottage. Si Stacy naman, nakahiga na sa duyan, tulog na rin. Si Kevin, busy pa sa phone, mukhang naglalaro. Ako, naiwan sa tabi ng bonfire, nakatingin sa apoy na unti-unting humihina. “You should rest,” sabi ni Keiran mula sa likod ko. “I could say the same,” sagot ko. “You’ve been working half the day, tapos ikaw pa rin nag-aasikaso ng lahat.” “Part of the job,” sagot niya, sabay upo sa tabi ko. Ilang minuto kaming nanahimik, maririnig lang ang hangin, hampas ng alon, at ang t***k ng puso ko na di ko sigurado kung ako lang ba ang nakakarinig. “Kanina,” basag ni Keiran sa katahimikan, “when they asked if you liked someone…” Napalingon ako. “Hmm?” saad ko. He looks straight into my eyes. “I almost answered for you.” biglang sabi niya. “Wow?,” natatawa kong sabi, “Gano’n ka na pala ka–assuming?” dagdag ko pa. Ngumisi siya nang bahagya. “Hindi ako assuming, Bela. I just… see things you try so hard to hide.” aniya. “And you think… i like you?” tanong ko, may pang uuyam pa sa boses ko. “Yes. And you know what i mean Bela. You know why i said that you like me, you know to yourself that you like me Bela.” litanya niya. Napahinto ako, paulit ulit na napalunok. “Keiran…” bulong ko at tumitig sakaniya pero nag iwas siya ng tingin at malayong nakatanaw lang sa dagat. “You think I don’t feel it too?” halos pabulong na niyang sabi. He leaned closer. Slowly. As if giving me a chance to pull away. At hindi ko alam kung anong mas nakakabaliw, yung sinabi niya o ang pag lapit niya ngayon sakin. “Bela,” bulong niya, halos dikit na ang labi niya sa tenga ko, “tell me to stop.” bulong niya. Pero wala akong nasabi. Kasi sa totoo lang, ayokong huminto siya. Yung init ng apoy, ‘yung amoy ng alat ng hangin, at bawat t***k ng puso ko, lahat sabay-sabay, parang sumisigaw ng parehong bagay. Napapikit ako ng hawakan ni Keiran ang pisngi ko, at naghahanda para halikan ako. “Hoy! Baka masunog ‘yung apoy!” namulat ang mata ko ng marinig ang sigaw na iyon ni Kevin, napamura nalang rin si Keiran dahil nakita niya kung paano humagalpak ng tawa si Kevin. Sabay kaming umatras. Para kaming biglang natauhan. “Badtrip, hahaha. Tara na pahinga na tayo” pag aaya ni Keiran sakin, nauna siyang tumayo at inilahad ang kamay niya, agad kong inabot ang kamay niya at ng makatayo ako ay hinawakan ni Keiran ang bewang ko at naglakad na kami patungo sa room na napili ni Keiran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD