Chapter 12

834 Words
Tahimik lang kaming naglakad ni Keiran pabalik sa suit namin. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Tanging tunog lang ng mga alon at mga yabag namin sa buhangin ang gumuguhit sa pagitan ng katahimikan. “Pahinga na tayo” bulong ko kay Keiran. “Yeah, buti pa nga” sagot naman niya at sabay kaming bumagsak sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame, sobrang init ng pisngi ko, ngayon lang ata umepektibo ang tama ng alak. O ganito talaga kapag nakahiga na after uminom? Nabalot kami ng katahimikan ni Keiran, hindi ko alam kung tulog na ba siya o gising pa. “Keiran…” tawag ko, naghihintay na sumagot siya “Hmm?” sagot niya, sabay kaming napatingin sa isa’t isa kaya nagkatitigan kami. Agad kong iniwas ang tingin ko at bumalimg ulit sa kisame. “Yung sinabi mo kanina…” Saad ko, mahina lang, sapat na kaming dalawa lang ang makarinig. “Totoo ba ‘yon?” tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ko siya tinatanong about do’n pero ayaw akong patahimikin ng curiosity ko. “Totoo lahat, Bela,” sagot niya, halos pabulong lang rin. “I shouldn’t have said it, but it’s true.” dagdag pa niya, kaya napabaling ako ulit sakaniya at nagulat ako na nakaside na ito at nasaakin ang tingin. Napalunok ako. “Pero Keiran… we’re–” “Step-siblings?” putol niya. “I know it’s complicated. Pero… tell me, Bela, mali bang maramdaman ‘to?” Saad niya at sumeryoso ang mukha. Hindi ako nakaimik. Dahan dahan siyang lumapit sakin at dahan dahan niyang hinawakan ang pisngi ko at hinagod ng hinalalaki niya ang gilid ng labi ko. Para akong kinukuryente everytime i feel his touch. “Tell me to stop,” bulong niya. Hindi ako nakapagsalita, ang tanging nagawa ko lang ay ang mapalunok at naghihintay sa sunod niyang gagawin, hanggang sa dumampi na ang labi niya sa labi ko. Una’y marahan, parang tinatanong kung may karapatan siyang magpatuloy. Hanggang sa hindi na ako nakapagpigil. Gumanti ako ng halik. Matagal. Mabagal. Mainit. Hanggang sa para kaming parehong nakalimot kung sino kami at bakit ito bawal. Ang init ng balat niya laban sa’kin, ang bawat hinga naming sabay, parang musika sa katahimikan ng gabi. Pero sa gitna ng lahat ng iyon, may halong takot parin sakin. Takot na tuluyan na akong mahulog sakaniya. Unti-unti siyang kumalas, pero hindi siya umalis sa tabi ko. Nanatili siyang nakatingin sa’kin, hinahaplos pa rin ang pisngi ko. “Bela,” bulong niya, “If I stay… you’ll hate me for this tomorrow.” “Then stay,” sagot ko. “Let’s hate ourselves tomorrow.” Ngumiti lang siya at mabilis ulit na hinalikan ako, mas matindi, mas totoo, mas puno ng lahat ng bagay na tinatago naming pareho. — Nakaramdam ako ng bigat sa bandang tiyan ko kaya napamulat ako ng mata, at napangiti nalang ako ng makita ang bbraso ni Keiran, nakapulupot pa rin sa bewang ko, mahigpit, parang natatakot na baka mawala ako. This wasn’t the first time. Hindi na ito ‘yung gabing dapat kong pagsisihan, dahil ilang beses na naming sinabing “last time,” pero heto kami ulit. I stared at his arm draped over me, tracing the faint scars on his hand with my eyes. How did we end up here again? “Bela…” tawag niya, mahina, halos pabulong. Napatitig ako bigla sakaniya dahil sa gulat. “Hmm?” sagot ko naman. “Don’t move yet,” bulong niya, sabay hinigpitan pa lalo ang yakap. Natahimik lang ako, iniisip at nasa pagitan ng tama at mali ang ginagawa namin. Yes we’re not related in blood, but my mom and his dad is going to marry… Kaya alam kong hindi nila matatanggap incase na malaman nila ang about samin. And how about my friends? ano nalang iisipin nila sakin? na tulad kang talaga ako ni Mama. Ayoko. Natapos ang pag iisip ko ng biglang haplusin ni Keiran ang braso ko. “Bela,” sabi niya, “don’t start thinking again.” Napangiti ako ng mapait. “You always say that. But you know I can’t just switch it off.” “Then let me help you forget,” bulong niya, Para akong nanlalambot sa bawat salita at gawa niya. “Keiran…” tawag ko, halos wala nang boses. “Hmm?” “Why do you always do this to me?” tanong ko. “Because you never stop me.” sagot naman niya. He was right. Hindi ko siya kailanman pinigilan. At siguro ‘yon ‘yung pinakamasakit, hindi dahil sa ginagawa namin, kundi dahil alam kong ako mismo ang hindi marunong tumanggi sa kanya. “I can’t controll myself anymore, Bela.” he whispered. “Then let be yourself, Keiran” sagot ko naman. And then, he kissed my forehead, my eyes closed on their own. And once again, I let him pull me closer, not because I wanted to forget, but because I didn’t know how to stop wanting him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD