"Huwag kang aalis diyan, Montes!" pagbabanta sa akin ni Zach. Pagkatapos ay agad na naglagay ng damit. At maliksing lumapit sa pinto para buksan iyon. Kinuha ko rin ang aking mga saplot at nagtatakbo papunta sa loob ng dressing room. At nang muli akong lumabas ng dressing room ay nakita kong walang kahit anino ni Zach. Kaya naman nagdesisyon din akong lumabas ng kwarto nito. Pababa na sana ako ng hagdan nang marinig kong may nag-uusap sa kabilang silid. Kaya dala nang aking pagkamarites ay maharan akong lumapit doon. Mabuti na lang at naka awang ang pinto ng silid. Nakita ko lang naman si Zach. May kausap na babae. Bigla pa ngang tumaas ang kilay ko nang lumapit ang babae sabay yakap kay Mangkukulam. "Hindi ka man lang pumunta sa aking kaarawan kahapon!" narinig mong sabi ng isang babae

