Katutuhanan 45

1130 Words

Pagkatapos ay matulin nilang pinatakbo ang sasakyan papalayo sa bahay ni Zach. Bigla namang tumingin sa akin ang isang lalaki. Medyo natakot ako sa klase ng pagtitig nito sa akin. "Hmmm! Maganda pala ang mga babae ni Zach Fuentebella! Ang sarap ikulong sa iisang kwarto!" bulalas ng isang lalaki. Mas lalo akong natakot dito. Jusko po! Ang malas ko naman! "Hoy! Nelson! Huwag mong gagalawin, oh, hawakan iyong babae riyan. Dahil pagmamay-ari na iyan ni bossing!" malakas na bulalas ng driver ng Van. Bigla namang tumingin sa akin ang tinawag na Nelson. At nakita kong ngumisi ang lalaki sa akin. Kaya naman sobra-sobra ang takot ko. "Grabe! Ang galing talagang pumili ni bossing. Lalo na pagdating sa babae. Aba'y sariwang-sariwa at batang-bata pa. Tingin ko'y wala pa itong karanasan!" palatak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD