Maliksi akong naglakad papasok sa loob ng aking aparment. May ngiti sa aking mga labi. Dahil kahit papaano ay nakaganti na rin ako kay Zach. Iwan ko lang kung hindi ito magwala sa galit dahil sa aking regalong kakaiba na mga manok at sisiw pa. Gusto ko tuloy tumawa ng malakas. Ngayon ay mag-iisip pa ako ng puwede kong maging plano ulit. Kailangang hindi ako mahuli nito. At siguradong lagot ako sa lalaking iyon oras na mahuli ako. Kagabi nga'y akala ko ay mahuhuli na niya ako. Binutas ko lang naman ang gulong ng lalaking iyon. Gamit ang dala-dala kong kutsilyo. Wala itong kaalam-alam na sinusundan ko ito ng patago. Para kahit papaano ay makaganti ako rito. Halos mag-iisang buwan na rin pala mula nang umalis ako at nagtatago rito sa aparment ko. At habang nagpapagaling ng aking pusong sug

