(ZACH'S POV) "Hey! Bro! Ayos ka lang ba? Bakit panay ang inom mo ng alak? Mayroon ka bang problema?" tanong sa akin ni Ley. Isang masamang tingin lamang ang binigay ko sa aking pinsan. At pagkagapos ay muling lumagok ng alak. Hindi ko ininda kung mapait ito. Ang gusto ko lang ay malasing ako. "Dahil ba iyan kay Ella Montes? Kaya ka nagkakaganyan, bro?" tanong muli sa akin ni Ley. Ngunit hindi ako nagsalita. Muli na naman akong uminom ng alak. Parang gusto ko na lang maglasing magdamag. Kasalukuyan kasi kaming nandito sa loob ng bar. Hindi sana ako sasama kay Ley. Ngunit sobrang kulit nito. Saka para raw malibang ako at mag enjoy. "Bro, kung iyong mamarapatin. Puwede naman akong tumulong sa paghahanap mo kay Ella," muling anas ni Ley sa akin. Bumaling muna ako rito. At isang masamang t

