"MABUTI NAMAN at maayos na ang lagay mo," ani Phoebe sa kanya habang nasa loob sila ng sikat na coffee shop. "Oo nga, e. Ikaw din. Sobra akong nagworry noong binaril ka ni Serenity. Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa tulong na ginawa mo sa akin," aniya saka sumimsim ng Cappuccino Frappe na order nya. "Don't mention it. Kahit sino naman ay gagawin ang bagay na ginawa ko. Hindi ko naman alam na ganoon pala sya kasama. I am very sorry, Gianna," ani Phoebe na kakikitaan talaga ng pagka-sincere sa paghingi ng tawad. Tumawa sya. Wala naman na syang galit o kahit sama ng loob dito. Sa totoo lang, napahanga sya nito dahil sa katapangang ginawa. "Wala na iyon. Hindi man naging maganda yung nangyari sa atin before, siguro naman hindi pa huli ang lahat para maging magkaibigan tayo, di ba?" Tum

