ALAS SAIS PA lamang ng gabi, nakatulog na si Gianna dahil na rin sa iniinom na gamot at vitamins. Hindi pa rin sya nakatanggap ng kahit na anong mensahe o tawag mula kay Arisia. Hinayaan na lang nya muna ito dahil baka sobra itong abala sa negosyo. Alam niyang hindi madali ang magpatakbo ng negosyo lalo na at marami itong branches. Mabuti na lang at matalino ang kanyang nobya at alam ang pasikot-sikot sa negosyo. Nagising sya nang madalim pa rin sa labas. Sinilip nya sa kanyang cellphone kung anong oras na. Ganap na ikaw walo na ng gabi. Napanguso na lang sya nang wala pa rin message na natatanggap mula kay Arisia. Kinusot-kusot nya ang mga mata saka nag-inat. Kumakalam ang kanyang sikmura kaya naisip nyang maghapunan. Pagkabukas ng pintuan, bahagya syang napaatras dahil patay ang mga i

