MAALIWALAS ANG mukha ni Gianna nang magising. Ngayong araw kasi sya makakalabas ng ospital at excited na syang umuwi. Sawang-sawa na sya sa amoy ng ospital at pati na rin ang tanawin kapag sya ay namimintana. "Finally! Makakaamoy na ako ng preskong hangin!" aniya habang inaayos ang buhok. Tumawa si Candy na syang kumakain sa tabi nya. "Preskong hangin? Wala no'n sa unit natin, no!" biro nito. Inirapan lang nya ito. "Basta! mas fresh naman ang hangin sa labas kaysa dito sa loob ng ospital. oy gamot at kemikal." "Well, may point ka naman." Tiningnan nito ang lahat ng gamit nyang naka-ready na sa mga bag. "Iyan na ba lahat ng gamit mo?" "Yes. Actually, kagabi pa iyan inayos nina mommy at Arisia." "Parang ang konti?" "Nauna na sa bahay kahapon." Tumango lang ito saka pinagpatuloy ang

