Prologue
Trigger Warning: Cheating
This story contains infidelity and detailed s*x. Read at your own risk.
Naghahanda kami ng pagkain dahil darating na ang kakambal ng asawa ko.
Naramihan namin ang pagkaing inihanda kahit tatlo lang naman kaming kakain. Sobrang excited ng asawa ko dahil ilang taon din silang hindi nagkita.
Nag aral sa ibang bansa ang kambal niya at doon na nag masteral para sa kanilang business. Samantala ang asawa ko naman ay pinili dito sa pilipinas dahil mas masaya daw dito.
My husband is a happy go lucky man, a womanizer and a social butterfly. Kabaligtaran naman ito sa kambal niya na palaging seryoso at tutok sa business nila.
Hindi ko pa siya nakikita sa personal pero naipakilala na siya sa akin ng asawa ko through video call.
Magkamukhang magkamukha sila pero malalaman mo agad ang pagkakaibahan nilang dalawa dahil si Daniel ay mapaglaro ang ngisi at habang si Nathaniel naman ay laging seryoso at nakasimangot.
Tumunog ang doorbell at dali daling binuksan ng asawa ko ang pinto.
"I missed you bother!"
Natatawang niyakap nito ang kambal at tumawa din ang isa habang binabalik ang yakap sa kanya.
Nakatayo ako sa harap ng lamesa habang hinihintay ang dalawang matapos mag kamustahan.
Magkaakbay silang lumapit sa akin. Halos mapunit ang kanilang mga labi dahil sa laki ng ngiti nilang dalawa.
"Honey, this is Nathaniel. And Nathan this is my wife, Zafrina. It's your first time seeing his face personally so don't be so shocked."
Tumango ako at tumawa. Hinalikan ko sa pisngi ni Nathan tanda ng pagbati.
"Hi, Nathan, It's finally nice to see you in person."
Napangisi ito. "Yeah, nice to see you too Zafrina." humarap ito sa aking asawa at nakapaskil sa mukha nito ang kagalakan. "Damn, brother. You've got an amazing wife! She's beautiful!".
Nahigit ang aking hininga at tumaas ang balahibo ko dahil sa mainit na pagkabanggit nito sa aking pangalan. Natuwa ang puso ko sa pag appreciate nito ng aking kagandahan. Hindi ko alam kung anong gumapang sa sistema ko at kinilabutan ako. Parang may ibang dating ito sa akin.
Natatawang nagkibit balikat si Daniel. "What can I say? I'm so damn lucky to have her..."
Napanguso ako sa sinabi ng asawa at mahina siyang kinurot.
"You can find one, Nathan. In right time.." nakangisi ito sa kambal at may tinging nagyayabang.
"Damn… I will find my own Zafrina..." sabi nito habang malagkit ang titig sa akin.