Naalimpungatan ako dahil sa maliliit na halik sa aking mukha. Napangiti agad ako at pinigilan ang kanyang labi dahil nakaramdam ako ng kiliti ng dumaan sa aking tenga ang kanyang halik. "I don't want to wake you up but your husband might have found you here…" "Oh, s**t!" Agad akong naalimpungatan at napabangon sa sinabi niya. Lumabas ako sa kanyang kwarto at tahimik lang siyang sumusunod sa akin. Nakita kong nakakalat sa sala ang mga damit namin. Habang nagbibihis kaming dalawa ay tamad lang siyang nakatingin sa akin. Nang matapos ako ay lumapit ako sa kanya at lumingkis. Hinalikan ko ang labi niya at tamad siyang tumugon. "Hey… are you okay?" He looked at me with worry in his eyes. "Yeah… just don't… sleep with your husband anymore…" mahinang sabi niya na para bang natatakot. Na

