Nagpakain sa mga staff si Nathan. Nasa pool area sila ngayon. Nagkakantahan at nagsasayawan ang mga ibang empleyado na nakapag out na sa kanilang shift. Si Mommy at Daddy naman ay masaya na makihalubilo sa kanila. Masaya ako na nakikita ko na maaliwalas na ang mukha ng mga magulang ko. Wala na silang ibang iniinda na problema at malaya na sila sa trabaho na nagdudulot sa kanila ng stress. Nakaupo kami ngayon sa may buhanginan ni Nathan. Nakasandal ako sa kanya at pareho kaming nakatingin sa dagat. Medyo madilim ang parte kung nasaan kami pero naririnig pa rin namin silang nagsisiyahan. Pinaglalaruan ni Nathan ang singsing na nasa aking daliri ngayon. Para bang hindi siya makapaniwala na magpapakasal na ako sa kanya. “Where are you staying?” I asked, breaking our silence. “I hav

