Pareho pareho kaming hindi makagalaw sa aming kinatatayuan dahil sa gulat ng biglang pagbisita nila. Nahugot ang aking hininga ng lumapit si Mommy Nathalie kay Sofie. Huminto ito isang hakbang ang layo sa kanya. Mabilis na lumapit si Daniel sa kanila. “Mom…” nanginginig na sabi ni Daniel sa kanyang ina. “Shut your mouth, Daniel,” istriktang bilin nito sa kanyang anak habang nanatiling nakatingin kay Sofie na nanginginig na sa takot habang nakayuko. “You are a hypocrite! Nasaan ang lakas ng loob mong magpabuntis sa anak ko ngayon? Tignan mo ako sa mga mata at ilabas mo ang tapang mo!” Napapitlag kami ni Sofie sa kanyang sigaw. Mas lalong lumapit sa akin si Nathan. Alam kong nangangati na ang kamay niyang hawakan ako pero umiling ako sa kanya. Mabilis naman niyang naintindihan iyon

