Nang makita ni Yael ang pagdaan ng van ng MB na sumundo sa ibang member ng DNI para dalhin ang ilan sa company at si Niklaus at Haden naman sa gym. Tumayo na ito mula sa lamesang kinauupuan niya. Iniwan niya na lang nga ang iced americano na hindi pa nakakalahati at dali-daling naglakad pabalik sa apartment kung nasaan ang dorm na tinutuluyan nila. Isang kanto lang ang layo nito mula sa coffee shop kung saan siya nagpalipas ng mahigit kalahating oras. Kagabi pa nakahanda ang susuotin nito pa-MMU. Dahil formal event ang dinaraos sa campus. Hindi magpapasok ang mga guard ng mga taong hindi naka-pormal attire. Mawi-weirduhan naman ang mga kasamahan ni Yael sa dorm kapag umalis siya ng naka-polo at trouser. Iyon ang dahilan kung bakit kinailangan niyang sumalisi ng balik sa dorm pagkasundo

