Ilang beses na kumatok si Jacob sa pinto ng studio kung saan mag-isang nagtatrabaho si Yael. Binuksan nito nang kaonti ang pinto saka dinukwang ang ulo sa siwang. "Bakit?" nakangiti na agad na tanong ni Jacob kay Yael. Pumihit paharap sa kaniya si Yael at hinubad ang headphone na nakakabit sa kaniyang ulo. "May tinatrabaho akong bagong kanta. I have my guide for the chorus. Pakinggan mo," anas ni Yael. Inabot niya kay Jacob iyong headphone sabay tayo sa nag-iisang swivel chair sa studio, sa sofa puwesto si Yael habang pinanunuod nito si Jacob na masusing pinakikinggan iyong guide ng chorus. Inabot ni Yael iyong itim na notebook kung saan niya unang drinaft ang lyrics ng chorus. Pinasadahan ng mga mata nito ang salitang naroon. You look fairly look good after we bro

