Nanlilisik sa galit ang mga mata ni Mama pagpasok namin sa kuwarto ko kung saan dapat ako magpapalit. Pinalabas niya pa nga muna ang stylist galing Hera Studio. Ibig sabihin lang nito ay matatagalan pa bago kami makababa at bumalik ulit sa party. I remained standing straight before her eyes as she walks left and right. Iyon ang naging paraan nito para alisin ang kaniyang frustration. "Boyfriend? Gusto mong maging boyfriend ang lalaking yon? Sino ba 'yon?" "I told you already. He is Yael Silva, hindi ka ba nakikinig kanina? He is first year college from business department." Dinuro ako ni Mama. "Huwag mo akong pinipilosopo ha! Makakatikim ka sa akin ngayon kahit na birthday mo pa. Mabuti na lang at malayo ang Tita Margery mo. Hindi niya narinig yang kahibangan mo." Mama breathe deeply

