Dahan-dahan na lang akong umupo. Maski yata paghinga ng taong nasa labas nitong classroom ay maririnig namin sa sobrang tahimik dito. "Boyfriend mo na si Yael? Agad?" Rizza broke the silence. Si Elio naman ay nanunuod at nakikinig lang sa kaniya. Tuwing napagsasama talaga ang pangalan ni Yael at boyfriend sa isang salita. Kinikilig ako. Tulad ngayon. Parang kumakapal at umiinit na naman ang mga pisnge ko. "Hindi ko nga nabalitaan na nanligaw siya." "Hindi siya nanligaw. Hindi niya na kinailangang manligaw. As a matter of fact. Ako pa nga ang nagsabi at nagpumilit na maging girlfriend niya." Malakas ang tawa ni Elio. Pumapalakpak pa 'to ng malakas at kahit hindi na siya halos makahinga. Hindi pa rin siya tumigil kakahagalpak. "Oh my God," bulalas nito. Rizza cup her cheeks and shak

