Isang beses na kumalabog ang pinto sa pagkatok ng kung sino man na galing sa labas. Nagpatuloy ako sa paghuhubad ng apron pati na rin ng hairnet at baseball cap na parte ng uniform habang ang tingin ay hindi inaalis sa pinto. "Madaraanan mo iyong Hotel McAllister pagpunta mo roon sa tinututor mo hindi ba?" tanong ni manager. I nodded my head. "Hindi po ganoon kalapit pero hindi naman out of way. Bakit po?" "Puwede mo bang i-deliver 'to roon? Nagmamadali kasi iyong costumer. Hindi pa nakakabalik si Makoy. Bayad naman na ito. Regular na costumer natin iyong umorder nito. Malaking mag-tip ayon kay Makoy." "Akin na lang po ba iyong tip?" I asked. Usually kasi ang mga tip ay iniipon muna sa tip box at pinaghahatian ng lahat ng empleyado tuwing katapusan ng buwan. I wriggle my eyebrows t

