Tahimik lang ang coach ni Yael habang tinitingnan nito ang x-ray pati na rin ang iba pang medical na patunay na may torn shoulder labrum ang binata. Malalim itong bumuntong-hininga. “Kailan pa ‘to?” “Ilang buwan na rin. Bago pa magsimula iyong huling UAAP season,” he truthfully answered the question. Ngayon kasing naamin niya na sa coach niya ang kondisyon na isang buong season niyang pineke at ilang buwan ding tinago mula sa lahat. Wala na siyang dahilan para patuloy pang magsinungaling sa parang pangalawang Tatay na kaharap niya. “I know it!” The coach snaps his fingers. Hindi siya napapraning lang nang sumagi sa isip nito na may mal inga talaga kay Yael nung huling season. He is not at his best state kaya naman na normal lang na maapektuhan non ang performance niya. “B

