Kinakabahan ako sa announcement ni Rizza. Madalas kasi ay wala naman siyang pasakalye kapag may kailangan siyang sabihin sa amin maliban na lang kung sobrang importante 'yon. Iyong mga life changing kumbaga. Biglaan nga ang pagpapatawag niya sa aming dalawa ni Elio. Hindi naman ako puwedeng ma-late sa part-time ko sa coffee planet kaya rito na lang kami nagkita-kita. Day off ng manager namin. Hindi naman mahigpit si Ate Abby. Dahil kaedaran nga siya ni Kuya Veno nagdesisyon ako na tawagin na 'tong Ate. Para kasing ang rude-rude ko kung palaging Abby lang ang tawag ko sa kaniya. I prepared their iced coffee orders. Si Rizza ang nanlibre, pati si Ate Abby ay binilhan niya ng coffee at pastry. Nabaitan kasi siya nang pumayag ito na excuse ako at nakawin nila panandalian para kausapin haba

