Nakabalik na lang si Clark galing sa pagtatapon ng plastic cup ng samalamig na iniinom namin. Hindi ko pa rin ma-contact si Yael. It's Saturday today. Ngayon kami lilibot na tatlo sa campus ng Metro Manila University. Ngayong araw din pormal na nag-start ang pagti-training ni Yael sa MB. Kanina pa siyang 10 ng umaga roon. Sabi niya sa akin bago siya umalis ng bahay ay makakauwi na siya bago mag-ala una. Ilang minuto naman bago mag-ala una ay nag-text 'to na sa tapat na lang daw kami ng MMU magkita-kita nina Clark. Hindi kasi siya makaalis agad ng MB. 3:15 na. Kahit na fifteen minutes pa lang na-late si Yael. Nahihiya na ako kay Clark. Pinakiusapan ko lang kasi 'to na samahan kami maglibot. Malay ko ba kung may iba pa 'tong plano ngayong araw at nasisira na namin ang schedule niya dahil s

