Pabalik-balik ang tingin ko sa cellphone kung saan ko binabantayan ang oras at kay Yael na nakatayo sa may counter at umoorder. Halos twenty five minutes na lang kasi at tapos na ang lunch break namin. Maglalakad pa kami pabalik sa PCU. Panigurado na mahuhuli na kami sa susunod naming klase. Ayaw ko pa naman sanang magpa-late lalo na't ngayon na lang ulit ako pumasok matapos yung tatlong araw kong pag-absent. Nabunot ang pag-aalala sa dibdib ko nang makita na kumpleto na ang laman ng tray na dala ni Yael. "Buti wala ng waiting for fifteen minutes para sa chicken." Ako na ang nag-alis ng plato na may spaghetti at chicken doon sa tray pati na rin yung ice cream, fries at soft drinks. Binabalik kasi ni Yael sa wallet niya yung sukli sa binayad niya sa mga 'to. "Wala pang trenta, a. A

