Chapter 12: Visitor

1282 Words

Maghahating-gabi na nang bumalik si Rozein sa silid. Walang nakakaalam kung saan ito nanggaling, at tanging ang yabag lamang ng mga paa nito ang naging hudyat ng pagbabalik ng lalaki. Nakapikit si Thara, piniling magkunwaring mahimbing na natutulog, habang lihim na nakikinig sa bawat galaw nito. Ngunit ang kanyang kuryosidad ay nanaig. Dahan-dahan siyang dumilat at tiningnan ito mula sa kanyang kinahihigaan. Sa liwanag na pumapasok mula sa bintana, nasilayan niya ang pigura ni Rozein, nakatayo roon at nakatanaw sa madilim na karagatan na tila ba may kinakausap na lihim. Napakunot ang kanyang noo nang mapansin na may suot na itong damit. Saan naman kaya ito kumuha niyon? tanong niya sa isip, hindi makapaniwalang bigla na lamang itong lumitaw na tila walang pinanggalingan. Pinagmasdan ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD