Chapter 13: Secretary

1291 Words

Kapwa silang napatingin nang may kumatok sa pinto. Pagdaka’y bumukas iyon at isang babaeng may maikling buhok ang pumasok. “Good morning, sir Rozein,” magalang na bati nito, halos marinig ang tamis ng tinig sa katahimikan ng silid. Nakatayo na si Rozein, nananatiling matigas ang ekspresyon sa mukha. Samantalang si Thara naman ay nanatiling nakaupo sa malamig na sahig, hawak pa ang bahagyang nananakit niyang balakang matapos ang pagkakabagsak kanina. Saglit siyang napaurong nang mapansin ng babae ang presensiya niya. Nanlaki ang mga mata ng estranghera, halatang hindi inaasahan na may ibang babae roon. Marahang tumayo si Thara, pinilit ang sarili na huwag magpakita ng kahinaan kahit kumikirot pa ang kanyang katawan. “Thara?” Malamig na bigkas ni Rozein sa buong pangalan niya, at gaya ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD