Thara Guanzon. Anak ng taong matagal nang kinamumuhian ni Rozein Montefiore. Noong una niyang makita si Thara, muntik na siyang malinlang ng sariling mga mata. Ang matinding pagkakahawig nito sa babaeng minahal niya ay hindi pa rin matanggap ni Rozein hanggang ngayon. Every time he looked at Thara, he saw the eyes of the woman who had captured his heart and squeezed it until it was drenched with pain. Ang babaeng muntik na niyang ialay ang lahat para lang dito. Ang babaeng hanggang ngayon, hawak pa rin ang puso niyang wasak. Nang humarap si Thara sa kanya, nakita niya ang parehong apoy sa mga mata nito. He saw the same attitude, not exactly the same though, she was more submissive than Thara. Ngunit sapat na ang pagkakahawig upang buhayin muli ang mga alaala na matagal na niyang pilit

