Gusto sanang matawa ni Thara sa reaksyon ni Rozein, ngunit pinigilan niya ang sarili. Hindi pwedeng mahalata ng lalaki na 'yon ang dahilan kung bakit naroon siya sa opisina nito. Gusto niyang gumanti, kahit papaano, sa lahat ng ginawa nito sa kanya. At higit sa lahat, ayaw niyang magpatalo. Napansin niyang abala ito sa harap ng kanyang laptop, nakatitig nang mariin sa screen na para bang pinipilit huwag siyang pansinin. Ngunit hindi nakaligtas kay Thara ang bahagyang paniningkit ng mga mata ng lalaki, isang uri ng tingin na tila may laser beams na gusto siyang paalisin. Sa halip na matakot, ngumiti lang si Thara nang inosente at nagpatuloy sa mahina niyang pagkanta kahit wala sa tono. “Would you please stop!” pigil na sigaw nito. Itinaas ni Thara ang mga kilay at nagkunwaring inosente.

