Parehong nagulat ang kanilang mga mata. Ang paligid ay tila naglaho, tanging sila at ang nagkalat na pulang rosas ang naiwan. Ironically, the same place, the same flowers, kung saan sila unang nagkita. Destiny had a cruel yet beautiful sense of humor. Si Rozein ang unang bumawi mula sa pagkagulat. May hawak pa itong cellphone, ngunit halatang nabura lahat ng iniisip nang makita si Thara. “I’ll...t-tell....” umubo ito, saka nag-ayos ng boses. “Cancel the meeting. Reschedule it,” mabilis nitong sabi sa kabilang linya, bago tuluyang ibaba ang tawag. Nakatingin ito ng diretso sa kanyang mga mata, na para bang hindi makapaniwalang kaharap siya ulit nito. Nagpumilit si Thara na maging casual. Play it cool, Thara. Don’t break down now. “Why are you on foot?” tanong niya, pilit pinapakalma an

