Ariadne yawned as she get out of the bed. Wala na si Damon at tingin niya ay kanina pa ito nakaaalis dahil malapit na rin mag-alas diyes ng umaga. Sandali siyang nag-unat at tumingin sa labas ng bintana. Makulimlim pa rin sa labas ngunit paminsan-minsan ay sumisikat ang araw. Pinulot niya ang mga damit na naiwan ng kanyang nobyo na maayos na nakapatong sa may ibabaw ng upuan bago iyon dinala sa hamper. Nagsuot ng sleeping robe. Bumaba siya at sandaling naglibot-libot sa hardin, dinidiligan ang mga halaman kahit na mamasa-masa pa ang mga iyon dahil sa ulan kagabi. Hindi niya iyon alintana. Kailangan niya lang kumilos upang panandaliang mawaglit sa isipan niya ang mga pangyayari sa buhay niya ngayon. The time and the moment was eerily calm for her. Tila ba hindi sila nag-away ni Damon kag

