Hindi pumasok si Ariadne sa sumunod na araw. O sa mga sumunod pa. Halos tatlong araw na itong hiindi nagpaparamdam at hindi na mapakali pa si Damon. Gustuhin niya mang hanapin ang dalaga ay alam niyang ipagtutulakan lang siya nito. Ipagtutulakan. Pihado niyang mainit pa ang ulo nito at baka kapag nagpumilit siya ay mas lalo lang gumulo ang lahat. Damon sighed and leaned on his swivel chair. He played with his pen in between his fingers as he get lost in his thought. Hindi niya alam kung ano ang susunod niyang gagawin at hindi niya rin alam kung ano ang dapat niyang sabihin kung sakali mang makita niya ang dalaga. “You know what, Damon? If I were you, I’ll go look for her right now,” komento ni Pierre habang pinapanood siya nito na matulala na naman. Wala siyang natatapos sa mga trabaho

