XXVIII

1646 Words

“Damon?” gulat na pagbigkas nito sa kanyang pangalan nang makita na nakatayo siya sa may pintuan. Nahinto sa ere ang kamay nitong may hawak na kutsarang puno ng pagkain na dapat sana ay isusubo nito sa katabi. Ramdam niya ang pamamait ng kanyang bibig habang tinititigan ang kasama ni Ariadne. Hindi natinag si Marcus Buenavista sa kinauupuan nito. Ibinalik din sa kanya ang mga nagbabagang titig na iginawad niya sa lalaki. “Pierre told me you worked overtime,” kalmadong sabi niya habang hindi inaalis ang titig kay Marcus. “I wasn’t aware that you’re with somebody else.” “Sinamahan niya lang ako dahil ako na lang ang mag-isa sa building. Nag-break lang kami sandali dahil parehong hindi pa kami kumakain,” paliwanag nito. “Akala ko isang linggo ka pa sa Fr--” “Please leave, Mr. Buenavista.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD