“Nakipagkita ako sa Mama mo no’ng gabing ‘yon kasi sabi niya nando’n ka rin daw. Sinabihan niya ako na magpunta sa 5-star restaurant na nasa dulo ng siyudad. Hindi ako natakot noong una dahil hindi naman na nila tinututulan ‘yong relasyon natin at... inisip ko na magandang oportunidad na rin ‘yon para maipakita sa kanila na hindi lang pera habol ko sa ‘yo. Umasa ako no’ng gabing ‘yon, Damon... Andami kong inasahan no’ng gabing ‘yon...” Kinuha niya ang palad nito at dinama iyon. Nanginginig iyon at bahagyang nanlalamig. Hindi niya mapigilan na mag-alala sa mga susunod nitong sasabihin, ngunit hinayaan niya ang dalaga na magsalita. Na tapusin ang kuwento nito. “No’ng dumating ako ro’n, si Mrs. Lockhart lang ang tao sa loob ng kuwartong pinareserba niya. She was friendly, Damon... Nagtiwala

