He softly chuckled as he basked with the moment. Hindi niya pa tuluyang mai-sink in sa utak niya ang pangyayari dahil bahagya pa siyang may tama ng alak. He has downed four bottles that night, after all. Ang tangi niya lang alam, ay mahal na mahal pa rin siya ni Ariadne. Panigurado na kahit na ano pa ang dahilan nito, ang paliwanag nito, ay tatanggapin niya, basta at alam niya na hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman nito sa kanya. “Puwede mo bang ulitin ulit ‘yong sinabi mo, Ariadne?” paglalambing niya ulit. Hindi niya na mabilang kung ilang beses niya nang ipinaulit ang mga sinabi nito sa kanya kanina noong gabing iyon. Mukhang hindi naman napapagod ang dalaga dahil patuloy pa rin ito sa pagsakay sa gusto niya habang tahimik na nakasandal sa kanyang balikat. Mahina itong tumawa bag

