Napagdesisyunan ni Ariadne na gamitin ang day-off nito noong araw na iyon. Nang usisain ni Damon ang dahilan ay sumagot ito na anibersaryo kasi ng kamatayan ng ina nito noong araw na iyon kaya naman naisipan nito na dalawin ang puntod nito sa pampublikong sementeryo ng X. Wala namang ibang nagawa si Damon kung hindi ang payagan ang dalaga. Isa pa, resonable naman ang rason nito at wala na siyang iba pang masasabi. “Sir, alis na po ako,” paalam sa kanya ni Ariadne nang dumaan ito sa study room niya noong umagang iyon. Nakasuot lamang ito ng simpleng maong na pantalon at tee shirt na kulay puti na pinarisan ng sandalyas. Tango lang ang naisagot niya bago ito inihatid ng tanaw. Napakunot ang noo ni Pierre na kasama niya sa loob ng silid noong mga oras na iyon. Bigla kasi isyang tumayo a

