Pierre entered Damon’s office that morning. Hindi niya muna pinapasok si Ariadne dahil kakagaling pa lang nito sa sakit at ayaw niya naman na mabinat ang dalaga. He was sleepless last night. Pinapakinggan niya lang ang mahinang paghikbi ng katabi hanggang sa tuluyan na itong makatulog. Pagkatapos ay nilingon niya ito at ikinulong sa kanyang mga bisig. Damon was conflicted. Nagtatalo ang puso at isipan niya. Nakatatak na sa kukote niya na kinamumuhian niya ang dati niyang nobya ngunit may malaking parte pa rin sa puso niya na gustong pabigyan ng isa pang pagkakataon. Na pagbigyang muli ang kanilang pagmamahalan. Pero sa tuwing nakikita niya ito, bumabalik lamang ang mga mapapait na alaala at ang lahat ng kaniyang mga pinagdaanan noong iniwan siya nito noon. Noong mga panahon na nagpapakala

