“Miss Cabaya, it’s already 8 AM, why are you still on your bed? May trabaho tayo ngayon-- Ariadne?” Hindi niya na nagawa pang sumagot sa pagtawag sa lalaki sa kanya. Ramdam niya ang pananakit ng buo niyang katawan pati na rin ang pagtaas ng temperatura niya. Sa tingin ni Ariadne ay natagtag ang katawan niya lalo na at marahas si Damon pagdating sa usaping kama. Kung hindi siya nito tinatali nitong mga nakaraang araw ay halos kulang na lang ay hindi siya makahinga sa panggigigil nito sa kanyang katawan. Magreklamo man siya ay tila walang naririnig ang lalaki. O sadyang ginagawa lamang nito iyon kasama na sa pagpaparusa sa kanya. “Hey, are you alright?” Dahan-dahan siyang naupo ngunit hindi niya iyon nagawa nang hindi nararamdaman ang pamimintig ng kanyang mga kalamnan. “Sir, a-absent mun

