Nang maramdaman niya ang pagpulandit ng mainit na punla ni Damon sa loob niya ay kaagad itong umalis mula sa pagkakadagan sa kanya. Nahiga sa tabi niya. Inayos ang kumot sa katawan nito. Pumikit. Nakagat na lamang ni Ariadne ang pang-ibaba niyang labi at tumalikod mula sa binata. Tiyak niya na wala rin naman itong pakialam. At mas lalong hindi nito iindahin kung babalik siya sa kanyang silid. Walang ibang pakialam ang lalaki kung hindi ang maikama siya. Walang labis, walang kulang. Tahimik niyang tinuyo ang mga luhang nagpapaunahan sa pagdalisdis sa kanyang mga pisngi. Ayaw niya mang aminin ay napakasakit ng kanyang dibdib. Alam niya na dapat ay tanggap niya na na hindi na sila babalik sa dati, na hindi na siya nito mamahalin pang muli, ngunit hindi mapigilan ni Ariadne na umasa, kahit

