Hindi niya na hinintay pa na makalapit si Damon sa kanya. Hindi na rin malaman ni Ariadne kung paano pa pipigilan ang mga luha na tumutulo mula sa kanyang mga mata. Dumating siya roon na puno ng pag-asa na hindi totoo ang balita na narinig niya ngunit sa tagpong nakita niya ay wala nang dahilan para ikaila. Ang ina na mismo ni Damon ang nagsabi. Ikakasal na ito sa iba. At imbitado pa siya. At may kahalikan pa itong iba. Sapat na dahilan naman na siguro iyon para magpaubaya na siya. Hindi niya pinansin ang mga humahangos na yabag ng lalaking nakasunod sa kanya. Maski ang mga paulit-ulit na pagtawag nito sa kanya. Garagal ang tinig nito ngunit hindi niya alam kung dapat pa ba niyang paniwalaan iyon. Malinaw naman na sa kanya ang lahat. Pinaglalaruan lang siya nito. Ginagago. Hanggang ngayo

