“Balak ni Martine na patirahin sa ‘kin ulit si Ariadne. Pagkatapos, kung hindi ka pa rin daw susunod, ipapabenta niya sa ‘kin ‘yong batang ‘yon sa kung sinong may gustong bumili. Pero kilala mo naman ako, Mr. Lockhart. Marunong naman akong sumunod sa kasunduan natin na hindi ko papakielamanan ulit si Ariadne at maganda ka naman magbayad,” saad ni Jimuel habang nakaupo sa harapan niya. Kanina pa nakakuyom nang mariin ang kamao ni Damon. Ramdam niya ang pagbaon ng mga iyon sa kanyang palad. The situation was worse than it seemed. Mas matindi ang balak na gawin ni Martine ngayon para lang mawala si Ariadne sa landas nito. Labag man sa kanyang loob na makipagtulungan sa amain ng kanyang nobya ay wala siyang ibang magawa. Kung hindi siya magbabayad ng salapi sa lalaki ay susunod ito sa kagustu

