Nang makabalik sa X galing sa Maldives ay tumuloy si Damon sa opisina niya. Pierre was waiting there to discuss something to him. Inihatid niya naman si Ariadne sa villa para makapagpahinga ito sa mahabang biyahe. Siya? Wala siyang oras at panahon na magpahinga dahil andami niyang kailangang asikasuhin. “You can’t marry Ariadne, Damon.” He sighed as he heard Pierre’s voice just as he entered his office. May hawak itong mga folders at kung anu-ano pang mga bungkos ng papel na sa tiyak niya ay mga trabahong naipon noong nagkabakasyon siya. Dumiretso siya sa kanyang swivel chair at umupo roon. He let his body feel the leathery touch of the chair before glancing at Pierre. “Bakit, dahil may fiancee ako na iba? I never agreed with that.” Napapalatak si Pierre. “Late ka nang umuwi, nagrerebel

