Tahimik na tinanaw ni Ariadne ang dalampasigan habang umiinom ng cocktail na nakuha niya sa refrigerator. Naiwan sa silid nila si Damon dahil may kausap na naman ito sa telepono. Sandlai niyang iniwan ang lalaki para bigyan ng privacy ngunit hindi siya mapakali. Parang gusto niyang makinig sa usapan nito. Gusto niyang malaman kung ang Coleen ba na iyon ang kausap nito, o kung ano ang koneksiyon ng mga iyon sa isa’t isa. Oo, nagseselos siya. Naghihinala. Paano ba namang hindi? Sa mga narinig niya noong nakaraang gabi, bato na lang ang hindi aatakihin ng kuryosidad at selos kapag narinig mo ang fiance mo na may kausap na babae. At talagang lumayo-layo pa ito. Kung walang itinatago ang lalaki sa kanya, bakit pa kailangan nitong gawin iyon? Isa pa, bakit pa kailangan nitong magsinungaling sa

