Alas onse ng gabi. Katulad ng mga nakaraang gabi ay ganoong oras, wala pa sa villa si Damon. Walang ibang magawa si Ariadne kung hindi ang hintayin ang lalaki. Utos nito iyon, at kailangan niya iyong sundin. Ang hindi niya lang maintindihan, ay ang pagkadismaya na bumabangon sa kanyang dibdib sa tuwing naiisip niya na baka may kasama itong babae. Na baka may kasiping ito na iba.
Wala siyang karapatan. Oo at alam niya iyon. Siya ang nanakit sa lalaki, at higit sa lahat, matagal na silang hiwalay. Wala na siyang karapatan na tanungin kung saan ito nanggaling, o kung sino ang kasama nito. Matagal na siyang nawalan ng karapatan, simula pa noong nakipaghiwalay siya. Pero hindi niya talaga mapigilan na magtanong sa kanyang isipan. O ang magpahaging man lang sa lalaki. Natutuliro siya at hindi makalma ang utak niya. Gusto niyang malaman kung ano ang ginagawa nito sa gabi na halos inuumaga na ito ng uwi.
Sa pagkainip ay nakapagdesisyon na ang dalaga. Kinuha niya ang kanyang wallet at lumabas ng villa. Bahala na. Alam niya kung saan niya pupuntahan ang lalaki. Pumara siya ng taxi at inutusan ang drayber na ihatid siya sa Red Angel.
Inaalon ng kaba ang dibdib niya. Unang beses iyon na lalabas siya ng dis oras ng gabi. ‘Ni hindi pa siya nakakapagpalit ng kanyang damit, suot niya pa rin ang hapit na pencil skirt at sleeveless top na kulay pula. Nang marating ang lugar ay kaagad na bumaba ang dalaga at nagbayad. Ilang ulit pa siyang napalunok bago dire-diretsong pumasok ng naturang VIP club. Hindi naman siya pinigilan ng nagbabantay. Hindi niya rin alam kung bakit at hindi niya na inintindi pa. Ang alam niya lang, kailangan niyang hanapin si Damon.
Kaagad niyang pinagsisihan ang desisyon niya na umalis ng villa habang pinapanood kung gaano ka-wild ang mga tao sa loob ng club noong mga oras na iyon. Malakas ang mahalay na tugtugin sa dance floor. At ng kabog ng puso niya. Nakipagsiksikan siya sa mga nagsasayawan upang hanapin ang amo ngunit sa dami ng mga tao sa loob ay ‘ni anino ni Damon ay hindi niya makita.
“Aray!” reklamo niya nang mabangga siya ng mga lalaking kanina pa nagsasayawan. Nagningning ang mga mata ng isa sa kanila nang makita siya. Napaatras si Ariadne. Paano ba naman, lumapit ito sa kanya. Bahagya niya pang nalalanghap ang amoy ng serbesa sa bunganga ng lalaki. Napalunok siya nang paglaruan nito ang dulo ng kanyang buhok.
“Hi, miss! May hinahanap ka?”
“Hinahanap ko ang boss ko,” nanginginig na turan niya.
“Wala pa naman siya, a? You can play with me for the meantime, babe...”
“Kailangan ko nang umalis,” matigas na saad niya.
“Aw, come on. You really caught my attention, you--”
“Let go of her or I’ll smash your f*cking face.”
Tila nakahinga nang maluwag si Ariadne nang marinig ang tinig ng amo. Nakatayo ito sa likuran ng lalaki, may kasama na isa pang may katangkaran at may suot na puti at gintong maskara. Ang kanyang nararamdaman ay kaagad na napalitan ng takot nang makita ang pag-aapoy ng mga mata ni Damon habang nakatitig sa kanya. Para namang asong nabahag ang buntot ng lalaki nang makita ang kasama ng dati niyang nobyo. Dali-dali itong umalis, na dahilan para hablutin siya ni Damon sa pulso.
“What the f*ck are you doing here?”
“Sir Damon...”
“Are you out of you goddamned mind, leaving the villa, in those clothes, in the middle of the night? Not to mention that you’re in a f*cking club! What has gotten in to you, Ariadne?” galit na tanong nito.
“Hey, cut it, Damon. Nasasaktan siya,” awat ng kasama nito. “I’ll let you guys use one of the VIP rooms if--”
“No one’s staying, Vlad,” tiim-bagang na tugon nito. “Because I’ll be taking her home now.”
“Nakainom ka.”
“I’m sober enough to drive.” Hinila siya nito palayo. “Use my card to pay for the drinks. Tell Liam, Warren, and Carter that I’ll be going now.”
Dire-diretso itong naglakad palabas ng club habang pakiramdam niya ay mababali ang buto niya. Mala-bakal ang kamay nito. Halatang walang intensyon na pakawalan siya o ang pakinggan ang kung ano mang sasabihin niya. He was mad. Raging mad.
“Damon...”
“Don’t talk. If you don’t want me to f*cking hurt you right now, don’t talk.”
Itinulak siya nito papasok ng Mustang na bitbit nito at lumigid sa driver’s seat upang sumakay. Halos mamuti na ang kamao niya sa pagkakakapit sa handle ng pinto nang paharurutin nito ang sasakyan. Pakiramdam ni Ariadne ay lumilipad iyon. Ngunit hindi iyon ang ikinakatakot niya. Mas ikinatatakot niya ang dilim sa mukha ng kasama. She should have just stayed at home. Hindi na niya dapat hinayaan ang sarili na magpadalus-dalos. Sa pagseselos niya ay heto tuloy at nag-aapoy sa galit ang kasama na kulang na lang ay pilipitin ang leeg niya.
Nang makapasok sa loob ng villa ay sumagitsit pa ang gulong nito sa konkreto nang ihinto ng lalaki ang sasakyan. Bumaba ito at sumunod siya. Nang makapasok sa loob ng villa ay hindi niya napigilan ang mahinang sigaw na kumawala mula sa mga labi niya nang idiin siya nito sa pader, habang nakahawak sa magkabila niyang pulso.
“Anong pumasok sa kukote mo at sinundan mo ako sa bar, ha? In those goddamned clothes! Are you out of your mind, Ariadne? Are you seeking attention because I am being civil to you, huh? Gusto mo talaga akong galitin, is that it?”
“Hindi naman sa gano’n, Damon...”
“Then why?” he screamed. “Why did you break my rule, huh?”
“Kasi... gabi-gabi ka na lang umuuwi ng dis oras ng gabi tapos...” nanginginig na paliwanag niya.
Ngumisi ito. “Oh, now I get it. I get it. You’re jealous. You’re jealous that I might be seeing somebody else, is that it, Miss Cabaya? So you acted like a freaking girlfriend and went to the bar, in those clothes, just to see me, kahit na hindi mo naman ako boyfriend. To tell you what, I’m seeing my friends! I’ve been stressed out and the last thing I needed is you causing me headaches!”
“I’m sorry...” naiiyak na paghingi niya ng pasensya. “I was out of my mind--”
Hindi nakahuma ang dalaga nang hagkan siya nito. Mariin. Kinakagat ang pang-ibabang labi niya. Mas lalong dumiin ang hawak ni Damon sa kanyang magkabilang pulso. Halos ayaw siyang pahingahin. Hindi niya magawang pumalag. Tila nagrerebelde ang sarili niyang katawan sa utak niya na hindi niya magawang lumayo mula sa lalaki.
“This what you want, right? You think I’m still the same Damon that you’ve behind. To tell you, Ariadne, I’m not a f*cking saint anymore. And you’ll f*cking hate me once I lose my control,” his teeth gritted under his breath. Napasinghap siya nang punitin nito ang pang-itaas niya at pabaltak na alisin ang kanyang panloob. Tila wala sa huwisyo si Ariadne at ganoon din ang lalaki. Tinanggap niya ang mabangis at marahas na paghalik nito. Ang mga hawak nitong halos kulang na lamang ay baliin ang katawan niya. Damon was like a beast to her, callous, without any reservations. And to her surprise, her body did not reject his wildness.
Umigkas ang kamay nito at napunta sa batok niya. Hinila nito ang ulo niya at mas idiniin pa sa mga labi nito. Bumaba ang mga halik nito patungo sa kanyang leeg. Wala siyang ibang magawa kung hindi ang kagatin ang pang-ibaba niyang labi at tiisin ang hapdi na dinudulot ng mga kagat nitong kaagad na napapalitan ng mga halik. Tiyak ni Ariadne na mag-iiwan iyon ng marka. Ngunit hindi niya malabanan ang damdaming lumulukob sa kanya noong mga oras na iyon. Ang paghawak nito sa leeg niya ay naging pagsabunot sa buhok niya. Mas iginilid pa nito ang ulo niya upang palitawin ang makinis niyang leeg upang pupugin ng halik. Mayamaya ay tumigil ito at isinandal ang noo nito sa balikat niya.
“Sinusubukan ko na iwasan ka, Ariadne, dahil ayoko na saktan pa ang sarili ko, o ikaw... But you’re leaving me with no f*cking choice! You always leave me with no choice!” he exclaimed on her ear. “I’m trying to control myself, for f*ck’s sake... So please, don’t f*cking break my rules...” Lumayo ito sa kanya. Tila kumalma ang tensionado nilang mga katawan. He gasped for air as he tried to hide the redness of his eyes, and his ruffled clothes.
“Damon... wala na ba talaga tayong--”
Pakiramdam niya ay nadurog ng ilang libong ulit ang kanyang puso nang marinig niya ang mga katagang binitawan nito. ‘Ni hindi man lang siya pinatapos sa sasabihin niya.
“Bumalik ka na sa kuwarto mo. Hindi ko kaya na halikan ka, o... hawakan ka. You’re...” Nag-iwas ito ng tingin. “Leave. Now.”
“Pag-asa...” naibulong na lamang niya sa hangin nang iwan siya nitong nanghihina sa living area ng villang pagmamay-ari nito.