Napabalikwas ng bangon si Ariadne mula sa kinahihigaan niya nang maramdaman ang pagtama ng sinag ng araw sa pisngi niya. Ang huli niyang natatandaan ay hinihintay niya si Damon na makauwi dahil ito ang bilin ng lalaki ngunit heto at umaga na. Sa taranta tuloy ay napababa siya kaagad sa higaan at inayos ang sarili.
Natigilan ang dalaga. Natatandaan niya na hinintay niya si Damon kagabi sa may living area. Paano siya napadpad sa kanyang silid? Hindi niya na iyon masyadong inisip pa ang lumabas na ng silid dahil tiyak niya na hinihintay siya ng kanyang amo sa baba. Ayaw niyang makita kung paano ito magalit at higit sa lahat, gusto niyang gawin nang tama ang trabaho niya.
“Breakfast is ready,” kalmadong saad ng tinig ni Damon na nakasandal lang pala sa may labas ng kanyang silid at tila hinihintay siyang bumangon. “Kumain ka na.”
Napalunok siya. Hindi niya matantiya kung galit ba ito o nadidismaya na tinanghali siya ng gising. Kasama pa naman sa trabaho niya ang paghahanda ng pagkain ng amo niya ngunit heto at mas nauna pa itong gumising. Sinundan niya ito hanggang sa baba. Naroroon na si Pierre, habang inihahanda ng maids ang ibang pagkain. Naupo siya sa dati niyang puwesto habang si Damon naman sa kabisera. Kaagad nitong kinuha ang mug ng kape at nilagok ang laman niyon.
“You look wasted. Saan ka ba galing kagabi?” usisa ni Pierre sa katabi.
“Red Angel. Had a bunch of drinks with the guys.”
“Ano, may nakasama ka ba kagabi? You look like you got laid and got wasted at the same time.”
Ngumisi lang ito bago kinagatan ang sausage na nasa tinidor na hawak nito. “I was with a girl last night, yeah.”
Hindi niya maipaliwanag ang pagkadismaya na bumangon sa kanyang dibdib nang marinig na may kasama itong ibang babae kagabi. Ngunit hindi umimik si Ariadne. Ano ba namang karapatan niya? Sekretarya na lang siya nito, hindi nobya. And he can date and sleep with whomever he wanted. Wala na siyang dapat na pakialam tungkol doon. Tahimik niyang kinain ang nasa plato niya. Maliligo pa siya at magko-commute. And Damon seeing somebody else should be the least of her worries.
“How about you, Miss Cabaya? You look restless,” komento ni Pierre. “Are you alright?”
Tumango siya at tipid na ngumiti. “Ayos lang ako, Sir Pierre. Medyo pagod lang,” mahinang sabi niya habang halos hindi tinatapunan ng tingin si Damon na tumatagos ang mga titig sa kanya.
“You’ll get used to it,” saad ni Pierre. “Sa umpisa lang ‘yan, lalo na at bago ang environment at trabaho mo. Pero kapag nasanay ka na, hindi na masyadong nakakapagod ang mga gawain.”
“You should take care of yourself,” singit ni Damon bago nilagok ang natitirang laman ng mug nito. “Ayokong magkasakit ang sekretarya ko. Delays too much work.” Tumayo ito at naglakad palabas ng silid. “Tapos na akong kumain. Pakiligpit ng pinagkainan ko. Miss Cabaya, be ready in thirty minutes.”
Napatingin siya kay Pierre na kibit lang ng balikat ang isinagot sa kanya. Kaya naman imbes na magbagal pa ay tinapos niya na kaagad ang kanyang pagkain at naligo.
Muling napakunot ang noo ng dalaga nang mapansin ang mga band-aids na nakalagay sa paa niya habang nasa ilalim ng shower at nagkukuskos ng katawan. Hindi niya matandaan kung nilagay niya ba iyon sa mga sugat niya kagabi bago matulog o may naglagay niyon sa kanya.
Bakit, iniisip mo ba, si Damon naglagay n’yan sa paa mo? Asa pa, Ariadne, sa loob-loob niya. Napa-iling na lamang siya at kaagad na nagbanlaw. Baka nakalimutan niya lang na nilagay niya iyon kagabi sa sobrang antok. Nang makalabas ng banyo ay kaagad na nagbihis ang dalaga. Pinili niya ang pares ng pulang off-shouldered blouse na may maikling manggas at pencil skirt na may slit na katulad ng suot niya kahapon. Pagkatapos ay ang parehong high heels na may tatlong pulgadang takong dahil hindi niya kayang maglakad nang maayos sa masyadong mataas na takong.
Nang makababa ay inabutan niya itong nakasandal sa kulay pulang Mustang nito. He was wearing a signature black tuxedo and leather shoes. Tila hinihintay talaga siya ni Damon dahil tumuwid ito mula sa pagkakasandal nito sa sasakyan nang makita siya na papalabas ng mansiyon.
“Sumabay ka na sa’kin,” utos nito sa kanya.
“Huwag na po, Sir, magko-commute na lang ako,” nahihiyang saad ni Ariadne. Napalunok siya nang makita ang titig na iginawad nito sa kanya. Tila ba sinasabi na wala siyang karapatan na humindi sa utos nito dahil amo niya ito at empleyado lang siya. Binuksan nito ang pinto. Wala nang choice si Ariadne. Sumakay na lamang siya sa loob ng sasakyan at tahimik na hinintay si Damon na makasakay sa driver’s seat.
“Ikabit mo ang seat belt,” utos nito habang inii-start ang sasakyan. Tumalima na lamang siya at tahimik na naupo sa passenger seat habang nagmamaneho ito palabas ng gate. “Simula ngayon, sasabay ka na sa’kin pumasok. Dapat, by seven thirty ng umaga, nakahanda ka na, at nailuto mo na ang baon ko. You need to give me a valid reason kung sakaling hindi ka sasabay sa’kin sa pagpasok, naiintindihan mo?”
“Yes, Sir...”
“Isa pa,” dugtong nito, bago siya sinulyapan, “Next time, magdala ka ng blazer o ng coat kung ganyan ang isusuot mo. There’s a dress code in my company and you should follow that, even though you’re my secretary. There are no exceptions to my rules, understood?”
Tumango na lang siya at inayos ang pagkakaupo sa passenger seat. Awkward. Palaging civil si Damon sa kanya nitong mga nakaraang araw. Ayaw niya ng ganoon. Hindi niya mabasa ang lalaki. Mas maigi pa na nakikita niya na galit ito kaysa naman walang bahid ng emosyon ang mukha nito, ‘ni hindi niya malaman kung galit ba ito o may dinaramdam.
“Isa pa, Miss Cabaya. If you’re uncomfortable with your shoes then tell Pierre. I can let you wear sandals. Hindi ‘yong mukha kang penguin na paika-ika habang naglalakad. Baka mamaya, may dumating na kliyente bigla. Pangit sa image ng kompanya lalo na at ikaw ang unang haharap sa kanila.”
Napalunok siya at napatungo. “Yes, Sir Damon.”
Hindi na ito umimik pa. Tahimik nilang binagtas ang kalsada patungo sa kompanya nito. Nang makarating doon ay nagmamadaling bumaba si Ariadne. Ngunit bago niya pa man maiwan ang kanyang amo ay pinaswitan siya nito.
“Wear this,” utos na naman nito bago iniabot sa kanya ang coat na suot nito. Bagaman sinubukan niyang iiwas ang kanyang mga mata ay hindi niya maiwasang mapasulyap sa hapit na hapit na polong itim na suot nito. Maganda ang hubog ng katawan ni Damon. Kaya naman hindi na siya magtataka kung may mga babaeng maaakit dito gabi-gabi.
“Earth to Miss Cabaya,” pagtawag nito sa pangalan niya.
Napatikhim siya at kinuha ang coat, bago iyon isinuot. May kalakihan iyon sa kanya at halos natakpan na niyon ang kalahati ng palda niya ngunit tila walang pakialam ang amo niya. “Thank you, Sir...”
Kinuha nito ang mga folders na nasa backseat ng sasakyan at tumango lang. “Let’s go.”
Sinundan niya ang lalaki sa loob ng elevator. Wala nang muling umimik sa kanila. The atmosphere was heavy and uncomfortable, especially with Damon’s side glances and shifting on his feet. Gusto man niyang magsalita ay hindi niya magawa. Ano naman kasi ang sasabihin niya? Na hinintay niya itong umuwi kagabi? Itatanong niya ba kung ito ang naglagay ng band aids sa paa niya? O kung sino ang babaeng kasama nito?
She licked her lips before running her fingers through her hair. Malayo pa ang floor nila. Sa pinakahuling palapag kasi ng gusali ang opisina ni Damon, at may dalawampung palapag ang gusaling pagmamay-ari nito.
“Oh, before I forget,” putol nito sa katahimikan. “I will be personally handling your training this month. May trabaho akong pinapagawa kay Pierre na hindi dapat ma-delay so he’ll be very busy. So do your best, Miss Cabaya. I’m a strict teacher,” saad nito bago binuksan ang unang dalawang butones ng suot nitong polo at hinarap siya. “I am a perfectionist, so expect that I’ll be very, very focused on you, Miss Ariadne. Huwag na huwag mong kakalimutan na sundin lahat ng mga nakapaloob sa kasunduan natin habang ngtratrabaho bilang sekretarya ko. Because, angel, you’ll suffer consequences you can’t imagine if you fail to do so.”
Napaatras siya nang lumapit pa ito. She got cornered on the wall, her black eyes stuck on his amber ones. And Ariadne could not even breathe, knowing that those eyes were on fire while staring at her.
“Oh, and next time, if you want to sleep with me, tell me. Jealousy is painted all over your face ever since we left the villa, Miss Cabaya,” mahinang saad nito bago siya iniwan sa loob ng elevator na kanina pa pala nakahinto sa palapag ng kanilang destinasyon.