Damon staggered on his feet as he entered his modern villa. Medyo tipsy na siya dahil na rin sa dami ng nainom. Minsan na lang niya kasi makasama sina Vlad at Liam na matatalik niyang kaibigan kaya naman nang nakita niya ang mga iyon kanina ay talagang sinulit niya na rin ang oras. Isa pa, gusto niyang makaiwas sa presensiya ni Ariadne. Pinauna niya na ito umuwi kanina at hindi niya alam kung may pinuntahan pa ito ngunit pasado alas diyes na at inaasahan niya na tulog na ito sa silid nito.
Kinusot niya pa ang kanyang mga mata nang makita ang pamilyar na pigura ng dalaga na mahimbing na natutulog sa sofa sa may living area ng kanyang tahanan. Tsaka niya lang naalala na sinabihan niya pala ito na kung uuwi man siya ng gabi ay kailangan siya nitong hintayin bago matulog. Nagulo niya ang kanyang buhok at akmang lalampasan ang nahihimbing na dalaga nang umihip ang malamig na hangin mula sa mga bukas na bintana. He shuddered in the cold. At tiyak niya, sa ikli ng suot ng dati niyang nobya, nilalamig na rin ito.
He took out his phone to call Pierre. Sasabihan niya sana ito na ito na ang bahalang magdala sa dalaga sa silid nito ngunit naisip niya na baka tulog na rin ito kaya hindi niya na iyon itinuloy pa. Wala pa namang mga maids kapag gabi sa loob ng mansiyon. Hindi kasi mga stay-in ang mga iyon dahil gusto niya ng privacy. Isa pa, dumating na si Ariadne na siyang papalit sa mga ito sa gabi.
Napapalatak siya at pumihit upang lapitan ang dalaga bago mahinang tinapik sa balikat. “Hey, wake up.”
Ungol lang ang isinagot nito. Ilang ulit pang ginawa ni Damon ang pagtapik niya sa balikat nito ngunit hindi talaga ito nagigising. Tulog mantika. Nauubos na ang pasensya niya at lasing siya kaya naman pinangko niya na ang dalaga at dinala sa silid nito.
Maingat niyang inihiga si Ariadne sa kama nito. Inayos ang kumot. He sighed. Kahit kailan talaga, tulog-mantika ito. Kahit yata lumindol ng mga oras na iyon ay hindi ito magigising. Mahina siyang tumawa bago muling hinagod ang batok. He could use of some coffee to cure his hangover but he did not want to wake her up. Mukha kasing pagod na pagod ito. Sa dami ba naman ng pinagawa niya sa dalaga kanina, kahit kabayo e mapapagod.
Nadako ang mga mata niya sa paa ng dalagang bahagyang namumula. Nang sipatin niya iyon ay may paltos at sugat na ang mga sakong nito. Kaya ba siya paika-ika kanina? sa isip-isip niya. Muli niyang nahagod ang batok at nagtungo sa kusina upang kuhanin ang first-aid kit. Bago bumalik sa silid ng dalaga.
“Kahit kailan talaga, napaka-clumsy at matiisin mo,” mahinang saad niya habang ginagamot ang sugat sa paa ng dalaga. “You should’ve told me, you know? Hahayaan naman kitang mag-sandals. You're my secretary, after all.” Hindi ito umiimik na dahilan para mahina siyang matawa. “Oh, angel. You really are clueless,” he whispered before putting band aids on her sores and closing the first-aid kit. Hindi muna lumabas ng kuwarto si Damon. Hindi niya rin alam kung bakit. Siguro ay dala ng epekto ng alak? Oo at umiikot ang paningin niya at hindi na rin isya makatayo nang maayos. Baka nga. Baka masyado na siyang lasing kaya wala na siya sa huwisyo kung umakto. Ganoon pa man, hindi siya natinag at pinaglaruan pa ang dulo ng buhok ng dalaga na payapang natutulog sa tabi niya.
“Am I cruel, Ariadne?” bulong niya. “Bakit mo kasi ako iniwan noon, huh? Am I not handsome enough, or rich enough, kind enough, to suit your tastes? Bakit mo ‘ko iniwan? Gano’n-gano’n na lang bigla? Biglang ayaw mo na? Biglang hindi mo na ako mahal? Kung binigyan mo 'ko ng rason, maiintindihan ko naman, e...”
He scoffed when he received no reply. Tumayo si Damon at akmang lalabas ng silid. Baka kung ano pa ang maisipan niyang gawin o sabihin sa nahihimbing na dating nobya. Mahirap na. Ang tanging alam niya lang, gusto niyang masagot ang mga tanong niya. At maramdaman ni Ariadne ang sakit na ibinigay nito sa kanya noon. Makaganti, kumbaga. Nothing more, nothing less.
Hindi siya kaagad nakahuma nang hilahin ni Ariadne ang kanyang kamay. She pulled him closer to her, his already tipsy body landing beside her. Nasasamyo niya ang mumurahing pabango nito. She was just centimeters away from him. On one bed. In the middle of the night.
“Miss Cabaya,” mahinang pagtawag niya rito, pilit na itinatago ang gulat sa tinig niya. Ngunit tila walang nararamdaman o naririnig ang dalaga. Imbes na pakawalan siya nito ay mas lalong humigpit ang yakap nito sa kanya. Mahina itong umungol na tila nananaginip. She looked in distress.
“Huwag, please...” mahinang bulong nito habang napipintahan ng takot ang mukhang nahihimbing pa rin sa pagtulog. Bumiling ang ulo nito na tila may iniiwasan. “Huwag...”
“Miss Cabaya,” pagtawag niya ulit dito. Nawala bigla ang kalasingan ni Damon. Naalarma at bahagyang napabangon sa pagkakahiga. Hinawakan niya ito sa balikat at mahinang niyugyog. “Ariadne. Ariadne, gising...”
Tinapik niya ang pisngi nito ngunit patuloy lang ito sa pag-ulit ng mga katagang iyon. Hindi malaman ni Damon ang gagawin niya. Ano ba ang kinatatakutan nito na hanggang sa pagtulog ay napapanaginipan nito iyon?
“Huwag... please, Uncle, huwag po...”
May kung anong humaplos sa kanyang batong puso nang makita niya na may luha nang lumalaglag mula sa mga mata ng dalaga. Nahiga siya ulit at tinuyo iyon. He sighed before pulling her closer. Locking her in his embrace, making her feel his heat. He has no idea what she has gone through in the hands of her stepfather. Halata naman na walang gagawing maganda ang lalaking iyon, mula pa lang sa lapad ng pagkakangisi nito noong inabot nila ang cheque na naglalaman ng fifteen million pesos. And Damon could not help but to feel anger and pity for her at the same time. Maraming mga bagay ang pupuwedeng mangyari sa loob ng tatlong taon, and all that he hoped was that she was alright and nothing bad happened to her.
Ano, Damon? Hindi ba gusto mo na masaktan siya? usisa ng utak niya. Kailan ka pa nakaramdam ng awa para kay Ariadne? Kailan mo pa hiniling na sana, walang nangyaring masama sa kanya?
“Sshh, angel. I’m here...”
Marahan niyang sinuklay ang buhok ng dalaga. Tulog pa ito at mukhang wala pa itong balak na gumising sa kahit na anong oras kaya naman hinayaan na muna niya ito sa loob ng kanyang mga bisig. Kung ano man ang dinadamdam nito, tiyak na hindi rin nito sasabihin sa kanya. Ganoon kasi si Ariadne, mahilig magsolo ng problema. Ayaw niya na nadadamay ang mga tao sa paligid niya sa mga problema niya. Noong magnobyo at nobya nga sila, kahit na gipit na gipit ito sa pera ay hindi ito nangungutang o humihingi man lang ng pera sa kanya. Ayaw sa mga mamahaling lugar. Nirespeto niya ang mga gusto nito noon. He respected her decisions in every way possible. Kaya naman hindi niya mawari kung bakit bigla na lang itong nakipaghiwalay sa kanya.
Nanigas ang katawan niya nang maramdaman ang pagpulupot ng mga braso nito sa kanya. It was as if she was comfortable embracing him like that. As if the peace that she has been looking for was found right in him. He was conflicted. Naghahalo ang poot at awa sa loob ng kanyang dibdib noong mga oras na iyon. Oo, galit siya sa pang-iiwan nito sa kanya, ngunit hindi niya ring maiwasan na makaramdam ng awa para sa sinapit nito sa kamay ng amain nitong si Jim. Hindi niya man alam kung ano ang mga bagay na iyon ngunit pinapa-imbestigahan na niya iyon kay Pierre at tiyak niya na hindi niya gusto ang mga maririnig niya.
Sigurado si Damon na dala lang iyon ng kalasingan. Yes, it must have been the gin and the brandy, plus the beer. Dahil kumbinsidong-kumbinsido siya sa sarili niya na wala na siyang natitirang pagmamahal para rito. Sa lahat ba naman ng pinagdaanan niya noon, imposibleng may maiwan pa na kahit kaunting pagtingin sa puso niya. He almost lost the will to live. He almost killed himself. Almost put his father’s company to ruin.
Pero bakit ganito? tanong niya sa sarili. Bakit ganito nararamdaman mo ngayon, Damon? Akala ko ba, galit ka sa kanya? Bakit mo siya pinapatahan ngayon? Bakit mo siya niyayakap?
“Sshh, huwag ka nang umiyak,” mahinang bulong niya nang maramdaman ang paghigpit ng kapit nito sa kanya. “I’m here, angel... No one can hurt you here...”
Aalis na lang ako kapag malapit nang mag-umaga, sa loob-loob ni Damon bago hinayaan ang sarili na pakalmahin ang dalagang nasa loob ng kanyang mga bisig.