Tahimik na pinagmasdan ni Ariadne si Damon habang isinusuot nito ang coat nito. Uuwi na sila noong umagang iyon. Simula nang magising ay walang umiimik sa kanilang dalawa ngunit panay ang ngiti at paghalik nito sa pisngi niya. Pati na rin ang marahang pagsuklay nito sa buhok niya na tila ba sinisigurado siya na walang nagbago sa nararamdaman nito para sa kanya sa kabila ng mga nalaman nito. Na nasa kanya pa rin ang buong puso, pagmamahal, at kaluluwa ng lalaki. Sinulyapan siya nito at mahinang tumawa. “You’ll melt me, my darling angel. Stop staring at me like that, please.” Ngumiti siya at nilapitan ito. Niyakap mula sa likuran. Pinagmasdan ang kanilang mga sarili sa salamin na nasa harapan nilang dalawa. She inhaled his scent as she buried her face on his back. Everything felt surreal.

