Napaungol si Damon nang maramdaman niya ang pagdagan ng kung anong mabigat na bagay sa kanyang dibdib. Pupungas-pungas niyang idinilat ang kanyang mga mata. Madilim pa sa loob ng silid at sa tantiya niya ay madaling-araw pa lamang sa Maldives. Awtomatiko siyang napangiti nang makita kung ano iyon. Ulo iyon ni Ariadne na nakangiti habang pinagmamasdan siya. Iniunan niya ang kanyang kaliwang kamay sa ulo niya bago ito nginisian. “O, ang aga mo namang nagising.” Mahina itong tumawa bago pinaikot-ikot ang daliri nito sa kanyang malapad na dibdib. “Hindi ako makatulog.” Nabahiran ng pag-aalala ang kanyang tinig. Umusog siya upang dalhin ito sa kanyang mga bisig. “Why, angel? Something bothering you?” Umiling ang dalaga bago ngumiti. “Masaya lang ako. Sobrang saya...” He sighed in relief an

