PAGE 62 Inside you ************ "Bethel, 'buti nandito ka na. Kinakabahan na talaga ako." Binigyan ko ng huling tingin iyong stage saka ko nilingon si Shane. "Kanina pa ko nandito." Napasimangot siya. "Okay. Ako na late." Hinawakan niya ako sa dalawang kamay at ngumiti ng malapad. "Ang ganda mo ah. Bagay sa yo ang dress." Nahihiyang ngumiti ako. Isa sa designs ni Ms. Hannah ang suot ko na dress. Isang plain cocktail dress. Hindi naman ito kasama sa designs na ire-release ngayon pero isa ito sa mas nauna ng gawa ni Ms. Hannah. Actually, personal choice ko din iyong dress. Mukhang malayo pa ang kailangan kong pagsikapan bago marating ang level ni Ms. Hannah. Pero sa ngayon, mas enjoy akong mag-assist sa kanya. "Ang ganda mo rin ngayon Shane. Kailangan ba nating magbolahan muna dito?"

