PANIMULA
PANIMULA
Babala:
Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless.
*****
Noong unang panahon.
Sa panahon na mabubuti pa ang lahat.
Isang mabuting anghel
Ang binigyan ng pagkakataon na makatuntong sa lupa.
Ang mga anghel ay walang ibang damdaming nadarama kundi kasiyahan at pagmamahal lamang. Araw gabi silang umaawit sa tapat nang tahanan ng Panginoon upang magpuri. Kaya't nang makarating ang mabuting anghel sa lupa ....
Siya'y ....
Natutong masaktan
Maghangad
Maghintay
Umiyak
Umasa
Mabigo
at Magmahal sa isang tao.
Siya ay nawala ....
sa katinuan
Nawala ang kanyang orihinal na pagka-anghel.
Dahil siya'y umibig sa isang Demonyo na nagpanggap na isang tao.
Isang demonyo na nagpakita sa kanya nang lahat ng mukha nang damdaming hindi niya nalalaman.
Ang mga demonyo ay dating anghel na ipinatapon sa lupa upang kanilang matutunang pagsisihan ang kanilang mga kamalian.
At upang iwaksi ang damdaming kanilang naramdaman habang sila nasa pagka-anghel pa lamang.
Ang mga demonyo ay hindi maaring makipaglapit sa anghel.
Ang mga demonyo ay hindi maangkin ninuman
Hindi mapapabuti ninuman na may ordinaryong katauhan lamang.
Minamahal ng mabuting anghel ang demonyo kaya ninais niya na ito'y mapabuti.
Ngunit paano niya ito magagawa gayung wala na ang kanyang anghel na katangian?
Sa kaniyang tunay na pag-ibig. Lumapit siya sa Panginoon at isinakripisyo niya ang natitira niyang kabutihan para sa demonyo.
Isinuko ang lahat at naging isang bulang naglaho sa kalangitan.
Naantig ang puso ng Panginoon at dininig ang panalangin ng mabuting anghel.
Ngunit dahil ang demonyo ay nanatili sa kanyang pagiging demonyo. Tinanggal Niya ang mga katangian nito sa pagka-demonyo at naging ordinaryong nilalang na lamang.
Gayunman ay hindi na nagtagpong muli ang landas ng demonyo at ng mabuting anghel.
Pagkat ang demonyo ay naging ordinaryong tao na.
Ang mabuting anghel ay naging bulang naglaho sa kalangitan.
Kaya't hindi na na-isakatuparan ang kanilang natatanging pag-iibigan.
Ang tanong.
Sa panahong mabuti pa ang lahat. Ano ang dahilan ng demonyo kaya't siya ay pinaalis mula sa kalangitan?
******
Disclaimer:
Ang mga tauhan at pangyayaring ginamit sa kasaysayang nakalathala o nakatala rito ay pawang kathang-isip lamang o likha ng isang malikot na imahinasyon at hindi hinango sa tunay na buhay o ibinatay dito. Ang anumang pagkakatulad ay hindi sinasadya ng may-akda.
Ang anumang bahagi o kabuuan ng istoryang ito ay hindi maaaring sipiin o mailipat sa ibang porma at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng kinauukulan.
*****