PAGE 1
Ano kaya yun?
**************
"IPAGPATULOY MO lang yang ginagawa mo at siguradong balang araw giginhawa din ang buhay mo nang hindi ka matulad sa min ng Tatay Ambo mo. Isang kahig isang tuka. Aba'y, mahirap na nga ang buhay lalo pang humihirap. Ewan ko ba kung anong sinasabi nilang ginagawa ng gobyerno. Wala naman akong nararamdaman. Mabuti yan at habang may pagkakataon ka samantalahin mo. Habang bata ka pa."
Umikot ang mata.
Natawa ako nang wala sa loob.
"Alis na kami Nay." Sabay tayo ni Ara at hinila na rin niya ako patayo. "Tara tara dali!"
"Sandali." Agad akong kumilos. "Babye po Aling Ester."
Narinig ko pa yung pagtawag ni Aling Ester sa min pero nagmamadali na talaga si Ara na makaalis.
Patakbo pa kaming lumabas mula sa maliit na bahay. Nirerentahan ito nina Ara. Dalawang libo daw isang buwan. Isang maliit na silid na kasya lang ang isang maliit at pasimulang pamilya.
Pero hindi na maliit na pamilya sina Ara. Hindi na rin sila pasimula pa lang. Kailangan pa rin nilang magtiis sa maliit nilang apartment dahil wala silang choice.
"Naku naku! Si Nanay talaga kapag naumpisahang magsermon ayaw nang tumigil. Parang armalite ang potek! Tararararaat!" Mabilis kaming nakasakay nang isang pampasaherong dyip na iilan pa lang naman ang sakay. Nagbayad na rin naman agad kami.
"Concern lang ang Nanay mo sa yo. Mabuti pa nga yun at may concern sa yo kesa wala." Sabi ko na nakangiti.
"Hus! Bilib lang sa yo yun dahil masipag ka at ako na anak niya ay hindi. Tsk. Kung ikaw maging anak niya i'm sure susuko ka sa kanya."
"Wag kang magsalita nang ganyan. Mahirap mawalan ng pamilya." Mataman ko siyang tinignan.
Tama. Mahirap mawalan ng pamilya. Wala nang taong mag-aalala sa yo. Walang mas matandang mag-aalaga sa yo kapag nagkakasakit ka. Wala kang ka-share sa mga magagandang bagay na nangyayari sa buhay mo. Ganun.
Ulila kasi ako sa magulang. May kapatid akong mas matanda pero parang wala din.
Napabuntunghininga ako.
Tumingin ako sa labas nang sinasakyan namin na dyip nang sandali itong tumigil para magbaba at magsakay ng pasahero. Natigilan ako at sandaling napatunganga sa hangin.
"Nagpasa ka ba ng resume dyan?"
Mahina akong tumango pero ang mga mata ay nasa may malaking building na tinatanaw namin.
"Sana makapasok ka dyan. Maganda daw talaga na magtrabaho dyan eh. Complete benefit ta's nagreregular pa. Pwede ka pang mamili nang schedule mo."
"Oo nga eh. Kaya nga pangarap ko talagang magkapagtrabaho sa building na yan." Nakangiting bumaling ako nang tingin kay Ara. Nagsimula na ring umandar uli iyong dyip. "Alam mo Ara. Kahit tagalinis lang nang CR nila dyan tatanggapin ko na."
Tinawanan naman ako ni Ara. Napakunot tuloy ako nang noo.
"Bakit?"
"Hindi bagay sa yo ang janitress. Kapag makita ka nila baka kunin ka pa nilang model."
"Hindi rin. Yung mga model matataas ang height nun. Kulang ako sa height."
"Kabog naman sa face."
"Kapag mahirap ka lang wala ka nang chance para maging choosy sa work. Sa boys lang pwede." Nakatawang ani ko.
"Oh, korek ka dyan. May natutunan ka sa kin." Tawa niya.
"Oo. Kaya nga Choi Siwon lang ako for life."
"Oh! Koreano na naman yang nasa isip mo. Tch. Basta ako Lee Min Ho."
"O, iyo na." Wahahaha.... sabay pa kaming tumawa.
Siguro naiisip nang mga kasabayan namin sa dyip na nasisiraan na kami nang bait. Pero malayo layo pa naman kami sa ganun. Mababaw lang talaga ang kaligayahan naming dalawa. At promise, mamimiss ko ang kulitan at tawanan naming ito sa dyip dahil baka maging bihira na kaming magkita after nang araw na ito.
Last day ko na kasi sa pinapasukan namin na factory. Endo na ko. Kaya kailangan ko na namang maghanap nang bagong work. Iyong nadaanan namin na building. Iyon ang target kong mapasukan ngayon. Ang ME Building.
Sana Lord God makapasa ako.
Mahirap daw kasi ang job interview dun. Pero gagawin ko ang best ko. As always.
"Bethel, last day mo ngayon saan ang inuman?" Iyon ang bungad nang isa sa babaeng katrabaho ko sa factory pagkadating pa lang namin.
Natawa lang ako. "Mawawalan na nga ng trabaho magpaparty pa?"
"Oo nga naman." Sang-ayon ni Ara.
"Yan tayo eh. Para hindi makainom ay gumagawa pa ng palusot. Never ka pa kaya naming nakasama sa session."
"Pass lang ako sa ganyan. Sa totoo lang, mahina ang sikmura ko sa ganyan."
"Huy!" Pumagitan na si Ara. "Wag mo na lang kulitin si Bethel. Ito naman. Wag kang BI."
"BI? Anong BI? Bi? Hindi ako bi!"
"Bad influence yun tungaw!" Mahina pang tinampal sa balikat ni Ara iyong kausap namin.
Natawa na lang ako.
"Tara na. Tara na at baka mahuli pa tayo sa oras." Si Ara at sinenyasan na rin ako na sumunod na papasok sa working area ng factory.
Ngumiti ako at mahinang tumango.
Last day. Endo. Sa ilang buwan na pagtatrabaho ko sa factory na ito kahit paano ay nagkaroon na rin ako nang mga kaibigan. Kahit mahirap ang trabaho. Kahit tagaktak ang pawis o ngalay ang mga buto buto namin. Nagagawa pa rin namin na ngumiti kapag natatapos na ang isang araw nang trabaho.
Mamimiss ko din kahit paano ang ganitong feeling. Pero kailangan kong mas magsikap pa para hindi lang sa factory ang marating ko.
Mahirap ang buhay at lalo lang itong humihirap pagtagal. Pero tiyaga lang at paniniwala sa Maykapal. Magiging maayos din ang lahat. Iyan ang lagi kong paniwalaan.
Kahit anong hirap pa ng buhay. Hindi ito dahilan para sumuko o kaya ay gumawa ng masama.
Magbabago din ang takbo nang mundo. Umiikot pa rin ito para sa lahat.
"MS. BETHEL Rose del Rosario?"
Agad akong napatayo nang marinig na tinawag na nang magandang babae na nakaputing blouse at kulay dark blue na pencil cut na skirt iyong pangalan ko. Atubili akong lumapit at ngumiti.
"Ma'm ako po yun."
Tinignan niya ako nang mula ula pababa saka umarko ang kilay. "Pasok ka na."
"Salamat po." Tango ko na nakangiti pa rin.
Dapat polite at attentive.
Pagpasok ako sa room na itinuro nito sa akin ay biglang sumalakay ang kaba sa dibdib ko. Pero pinilit ko na labanan iyon. Nakangiti akong tumayo sa may b****a nang pinto at tumingin sa isa pang babae na nakaupo sa likod nang isang medyo malaking office desk.
Nakatungo ang ulo nang babae sa may mga papel na nasa kanyang mesa. Ang kanang kamay niyang may mahahabang daliri ay nakapatong sa mesa at may nakaipit na ballpen. Paulit ulit niya iyong tinatap sa may mesa gumagawa nang tunog na parang orasan.
Tick. Tock. Tick. Tock.
Napalunok ako. Kinalap ko ang lakas ng loob ko at mahinang tumikhim. "Good morning po."
Agad na nag-angat nang tingin sa akin ang babae.
Medyo natulala ako sa pagkakita rito. Tama nga ang sabi sabi nila sa labas habang nasa waiting area kami. Mukha siyang masungit.
Pero napakaganda niya. Maputi, makinis ang mukha, matangos ang ilong at manipis ang labi na may lipstick na kulay red. Malalaki ang mga mata nitong bilog, pahaba ang mukha nito at ang buhok ay masinop na nakapusod.
"Ms. Del Rosario?"
Bahadyang umangat ang isa nitong kilay habang nakatingin sa akin.
"Yes po Ma'm." Humakbang ako papalapit sa desk nito.
"Please sit down." Anito at itinuro ng gamit ang ballpen iyong upuan sa tapat ng desk bago muling tumingin sa papel na nasa harap.
Agad naman akong tumalima. "Salamat po."
"Okay Ms. Del Rosario." Pasimula nito at deretsong tumitig sa akin. "Ms. Bethel? You're twenty-three?" Pinasadahan nito ng tingin iyong papel na nasa harap.
"Yes po ma'm." Nakita ko na resume ko pala yung nasa harapan niya.
"Single?"
"Opo." Tango ko at ngumiti.
Mataman siyang tumitig sa kin. "May anak?"
"Wala po."
"May kinakasama?"
"Wala po."
"May boyfriend?"
"Wala din po." Kasali ba iyon?
Nakita ko syang sumulat sa papel ko tapos ay tinikpan niya nang cover nang folder na kinalalagyan nun para siguro hindi ko makita kung anuman ang isinulat niya.
"So, sino ang kasama mo sa buhay? May pamilya ka ba?"
"Ulila po ako sa magulang. Lumaki po ako sa isang kamag-anak kasama ang ate ko."
"O, sorry to hear that." Aniya at bahadyang lumambot ang face expression. "Anyway, nasa'n ang ate mo?"
"Sa province po."
"Nagtatrabaho?"
"Opo." Tumango ako.
"Ms. Del Rosario, gusto kong malaman kung bakit gusto mo na makapasok dito sa M.E.?"
"Ahmm..." sandali akong nag-isip. "Narinig ko po kasi na maganda ang pasahod dito at maganda din po ang mga benefits. Gayun din po ay nagreregular din po kayo nang mga employee."
"Ang regularization sa company na ito ay dumadaan din sa mahabang proseso Ms. Del Rosario. Ang ilan ay ilang taon muna ang binilang bago naregular. Makakapagtrabaho ka ba nang matagal sa kumpanya?"
"Yes po Ma'm. Kung papalarin po." Ani ko at pilit ngumiti. Bumibilis ang t***k ng puso ko, sobra.
"Hindi namin binibigyan ng pabor ang sinuman dito dahil sa matagal na siya o hindi dahil sa mahusay siya sa trabaho kundi dahil sa ugali at pakikitungo niya sa ibang tao lalo na sa mga boss ng kumpanya. Kung totoong mahusay ka sa trabaho, plus point na iyon."
"Naintindihan ko po." Sunod sunod kong tango.
"May inaasahan ka ba mula sa kumpanya?"
Saglit akong natahimik. "Sana po marami po akong matutunan mula sa lugar na ito."
"Ano naman ang maasahan namin mula sa yo Ms. Del Rosario?" Tumaas muli ang kilay nito.
"Ahmm..." sandali. Nadudugo utak ko. "Magiging mabuti po akong empleyado."
Mahina itong tumango tango at sandaling sinilip muli ang resume ko. Pag-angat niya nang tingin sa akin ay muling umarko ang kilay niya. "You are an undergrad of what course?"
"Business Administration po. Naka-third year and one semester po ako."
"Sayang hindi mo na natuloy."
"Financial po eh." Pilit akong ngumiti.
"May balak ka bang mag-aral uli?"
"Meron po Ma'm. Kapag nagka-chance po." Parang hindi ko na dapar sinabi yun.
"Maliban sa mga napasukan mo na trabaho. May iba ka pa bang skills?" Aniya habang nag-iwas na ng tingin mula sa kin at tila may kinukuha sa kanyang drawer sa may desk.
"Hindi po ako mahusay sa anumang partikular na bagay pero masipag po ako at kaya ko po kahit ano."
"Okay. Can you work in shifting schedule? O kung kailanganin ka ng company any time makakarating ka ba?"
"Sure po Ma'm." Nilangkapan ko nang enthusiasm ang tono ko.
"Okay." Tumingin siya sa akin at inabot ang isang papel. Almost 1/4 ang sukat nun at may maliliit na print na nakasulat. Agad ko iyong tinanggap. "Kompletuhin mo ang lahat ng requirements na nariyan at isubmit mo sa kin as early as possible. That's all Ms. Del Rosario."
Natigilan ako. That's all?
Tumikhim ako at tumitig sa aking interviewer. "Ma'm ibig po bang sabihin nito ay tanggap na ko?"
Bahadya siyang nagpilig ng ulo. "Kung lalabas na maganda ang resulta ng medical exam mo. Yes you are hired if you must know."
Napangiti ako ng malapad. "Talaga po? Thank you po Ma'm." Tumayo ako at bahadyang yumuko sa harap nito. "Salamat po."
"Please close the door when you leave."
"Yes po. And salamat po uli."
Sinunod ko naman siya. Daig ko pa ang nanalo sa lotto sa pagkapanalo. Ang saya.
Sobrang kaba ko kanina pero lahat yun nag-pay off naman. Haist. Akala ko hindi ako papasa eh. Salamat po Lord God. You're so good talaga. All the time.
Habang naglalakad ako sa corridor ay tinawagan ko si Ara sa cellphone. Agad naman itong sumagot.
"Oh, Bethel?"
"Nakapasa ako Ara. Nakapasa ako." Masayang bungad ko.
"Sa'n nakapasa? Nakapasa --- what? Sa M. E. ba?"
"Oo. Magkukumpleto na lang ako ng requirements."
"Galing mo talaga Bethel!!" Alam ko na nagtatalon na rin ito sa tuwa. Hindi ko yun magawa ngayon since nasa loob pa ko ng M.E. building.
Nagpaalam naman ako agad.
Para akong may pakpak sa mga paa habang humahakbang papalabas. Napahinto nga lang ako sa gitna ng lobby malapit sa bungad ng pinto papalabas nang makarinig nang tila sigawan sa labas.
Tinanaw ko kung anong nagaganap.
Transparent na salamin iyong pinto at malaking haligi ng entrance nang building kaya kita ko iyong nangyayari.
Biglang nagtakbuhan iyong mga security guard na parang may hinabol. Nakita ko sa may tapat ng pinto ang ilang tao.
Tatlong matangkad na lalake at isang magandang babae. Yakap nung isang lalake yung girl na parang pinuprotektahan ito mula sa kung saan. Saglit lang naman iyon.
Humakbang na ko at nagpatuloy sa balak kong pag-alis. Paglabas ko ng double door na gawa sa makapal na salamin ay saka ko lang sila napagmasdan ng mas mainam at malapit.
Narinig kong sumigaw iyong isa sa lalake sa security na lumapit dito. Napabawi na agad ako ng tingin at mabilis ang hakbang na umalis.
Nakakakaba yung boses niya.
Ano kaya yun?