PAGE 28 Salamat sa Paalala ******************** KAPAG MASAYA kang nakatulog malamang kinabukasan ay maganda ang gising mo. At ang gaan ng pakiramdam ko ngayong araw. Kulang na lang ay batiin ko at ngitian lahat ng nasasalubong ko sa daan. Hassle lang at baka mapagkamalan nila akong baliw eh. Papasok na ako nang building ng mapahinto ako sa may entrance lobby. Napansin ko ang isang matandang lalake na nakaupo sa may tapat nang entrance. Nasa malayo naman ito sa entrada at hindi nakakasagabal sa mga dumadating pero nakakaagaw naman ito nang pansin sa lahat nang nagdadaan. Kumunot ang noo ko. "Hi Bethel?" Biglang may umakbay sa akin mula sa likod at agad akong napalingon. "Rosie?" "Anong tinitignan mo?" Nagtatakang sita niya saka tumingin din doon sa matandang lalake na tinitignan ko

